Advertisers

Advertisers

PNP target ipatupad ang “lifetime ban” sa paghawak ng baril ng gun ban violators

0 7

Advertisers

PLANONG ipagbawal ng Philippine National Police (PNP) na makahawak muli ng baril ang mga lumabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban.

Sinabi ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, nais nyang ipatupad ang “lifetime ban” sa mga ito kung saan wala silang sasantuhin o sisinuhin.

Nangangahulugan ito na sasakupin ng kautusan kahit hindi mga sibilyan basta’t lalabag sa Comelec gun ban.



Sa ngayon, ani Marbil inaaral na nila ang batas at nakikipag-usap na rin sila sa mga abugado para sa legalidad ng ilalabas na kautusan.

Ang planong ito ng PNP ay bunsod ng road rage sa Antipolo City kahapon na ikinasugat ng 4 na indibidwal.

Samantala, nitong Lunes binigyan ng medalya ng kagalingan ni Marbil ang 8 pulis sa Antipolo na mabilis na rumesponde sa nasabing road rage.