Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MARKAHAN na ang kalendaryo! Sa April 7, masasaksihan ang isang makabuluhang pelikula na mag-iiwan ng marka sa puso at isipan—PLUMA, gaganapin ang premiere night sa Gateway Mall 1, Cineplex Theater 4!
Mula sa panulat ni Nathaniel Perez at direksyon ni Andrei Bagos, tampok sa PLUMA ang kwento ng magkapatid—ang isa’y pilay, ang isa nama’y bipolar. Ngunit sa pamamagitan ng karunungan, pananalig, at pagmamahalan, naghilom ang sugat ng isipan at damdamin. Isang makapangyarihang kwento ng pag-asa, pagkakapatiran, at paninindigan.
Pinangungunahan ng mga batikang aktor na sina Victor Silayan at Mark Herras, kasama ang isang ensemble cast ng mga rising indie stars: Mikhail Ethan, Sean Aldridge Calinisan, Paul Daniel Briones, Carah Bianca Donor, Rui Miguel Suansing, Patricia Suganob, Jacey Mae Sanico, Jhun Sio, Diana Diwa, Athena Magalona, Alyssa Ivana Eugenio, Brittany Ngolab, Gibson Fajardo, at Jasmin Tuala.
Labis ang pasasalamat ng CEO ng RMF Inding Indie Production and Talent Management, Ryan M. Favis, sa mga producer at co-producers na walang sawang sumuporta—Chane Lim of Frappy Bags, Prime Lense Film Production Inc, Ethan Mikhail, Sean Aldridge Pio Calinisan, Michael Justin Wenzel, at Razzid Eusebio.
Katuwang din sa tagumpay ng pelikula ang Frappy Bags, na hindi lamang nagbibigay ng de-kalidad at abot-kayang bags, kundi pati suporta sa sining at sa mga may kapansanan. At sana, hindi ito ang huli nilang proyekto bilang co-producer.
Isa rin sa mga co-producer ng PLUMA ang Prime Lense Film Production Inc., isang kumpanyang nagbibigay ng oportunidad sa mga gustong pasukin ang mundo ng TV at commercial industry.
Ang PLUMA ay higit pa sa isang pelikula. Isa itong paglalakbay. Isang mensaheng kailangang marinig ng bawat Pilipino.
Kitakits tayo sa premiere night!
***
GRABE naman itong isang sikat na aktor, pinahiya ang mag asawa.
Ang siste kasi, nagpunta sa isang burol si aktor. Kaibigan kasi niya ang mga magulang ng namatay.
Nakiramay din itong mag asawa. Nang makita nila si aktor ay nilapitan nila ito para magpa- picture Pero tumanggi si aktor. At naglitanya pa na pati raw sa burol ay nagpapa- picture ang mag asawa. Napahiya tuloy ang mag- asawa sa sinabing iyun sa kanila ng aktor.