Advertisers
Tinatayang P8 milyong halaga ng marijuana plants ang iniulat na winasak ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group sa Kalinga nitong Linggo.
Sa ulat, nadiskubre ng mga unit ng PNP-DEG at ng Kalinga police ang marijuana plantation sa bulubunduking bahagi ng Barangay Loccong, Tinglayan noong Marso 27.
Ayon kay Police Col. Rolando Cuya Jr, officer-in-charge-DEG, natuklasan ng PNP ang 40,000 marijuana plants sa 4,000-square meters na nasa lupain. Aniya, binubot at winasak ng mga opisyal ang mga pananim.
Walang nahuling suspek sa lugar.