Advertisers

Advertisers

Mayor Vico pansinin mo din mga ilegal na sasakyang nakaparada sa kalsadang dinadaanan mo hindi ‘yung panay tao!

0 18

Advertisers

Iba talaga ang nagagawa ng Eleksiyon nagbabago ang pananaw ng isang pulitiko nagiging Bulag, Pipi at Binge diba Pasig City Mayor Vico Sotto?

Bakit kamo tanaw na tanaw sa mga naka post na video sa FB ang tila walang pakialam nitong si Mayor Vico sa mga nakahambalang na sasakyan sa kanyang dinadaanan na kahit hirap na hirap ang team nito sa house to house campaign na tila dedma lang.

Ang linaw ng adhikain ni Mayor Vico mga Ka Usapang HAUZ, maging tahimik at maayos ang pamayanan ng sa gayon ay hindi mahirapan ang mamamayan ng Pasig.



Pero teka bakit nang mga nakalipas na taon ay mabigat ang naging kautusan nitong yorme Vico na walisin ang mga perwisyong mga sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada, eh sa ngayon dinadaan daanan na lang nito at dedma sa mga illegal parking, kasi nga eleksiyon.

Naalala ko tuloy ang yumaong Bayani “BF” Fernando ng Marikina na tutuong may Political Will kaya’t ang dating dugyot na Bayan isama na rin ang walang solusyon na trapiko kasama pa ang mga squatters sa tabing ilog ay matiwasay na nailipat na walang aberya kasi ang pananaw ni BF ay para sa kaginhawahan ng nakakarami, “Kung hindi kayo susunod sa gusto ko di ako takot na mawala ang boto nyo” sige nga mayor Vico paki walis nga mga obstruction dyan sa lugar mo.

Hindi naman sinasabi ng mga Ka Usapang HAUZ na gayahin ni mayor Vico ang legacy ni BF kasi ang napakasimpleng pagpapaalis sa mga sasakyang nakaparada sa daanan ng tao ay dedma lang ito ano pa kaya ang iba pang usapin sa Siyudad ng Pasig. “Kaya kayang sabihin ni mayor Vico na umalis kayo dyan hindi ko kailangan ng boto nyo”?

Meron palang nais ipaabot ang mga residente ng Napico dyan sa Barangay Manggahan kay Mayor Sotto dahil sa perwisyong ginagawa ng ilang grupo na walang takot sa pagiingay na kahit dis oras na ng gabi hanggang madaling araw ay patuloy sa pagiinom at videoke hindi umano kayang patigilin ng mga tauhan ni Chairman Quin Cruz.

Ewan lang natin mga Ka Usapang HAUZ kung gaano katutuo na 2 points na lang ang lamang nitong si incumbent mayor Vico Sotto sa kanyang katunggali na si Ate Sarah Discaya sa latest result ng Pasig survey.



Baka nga tutuo mga Ka Usapang HAUZ ang latest survey kasi kung hindi ito tutuo eh tila tarantang taranta na itong si yorme Vico biruin mo nag-viral ang pagkamay sa hangin ng alkalde ng ganapin ang peace covenant signing.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036