Advertisers
SINABI ng Malacañang nitong Lunes na walang magagawa ang Palasyo ng Malakanyang kaugnay sa nakatakdang pagpapatupad sa P5 fare hike sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) dahil obligado ang gobyerno na tuparin ang kontrata nito sa operator ng riles.
Sa isang press briefing, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na ang pagtaas ng pamasahe ay nakasaad sa matagal nang kasunduan, na kinakailangang sundin ng gobyerno.
Ipinaliwanag ni Castro na ang pagtaas ng pamasahe ay orihinal na pinlano nang mas maaga, ngunit ipinagpaliban upang makinabang ang mga commuter.
Nagbabala rin ang opisyal ng Palasyo na ang kabiguang ipatupad ang pagtaas gaya ng nakasaad sa kontrata ay maaaring humantong sa mas malaking komplikasyon para sa publiko sa katagalan.
Simula Abril 2, ang maximum fare para sa isang ticket sa paglalakbay sa LRT-1 ay tataas mula PHP45 hanggang PHP55, habang ang minimum na pamasahe ay tataas mula PHP15 hanggang PHP20.
Samantala, ang maximum fare para sa stored value card ay tataas mula PHP43 hanggang PHP52, habang ang minimum na pamasahe ay tataas mula PHP15 hanggang PHP16. (Vanz Fernandez)