Advertisers
BILANG bahagi ng pagpapalago ng turismo, sinabi ni Senador Lito Lapid na pagaaralan ang posibilidad na pailawan ang Loboc River kung saan dinarayo ng mga turista ang floating restaurants sa Loboc, Bohol.
Sa ginawang inspeksyon, inihayag ni Lapid na hiniling sa kanya ni Loboc Mayor Raymond Jala ang posibilidad na pondohan ang pagkakabit ng mga ilaw upang makapag-operate kahit sa gabi ang Loboc river cruise.
Nakaraan nang sinuspinde ni Mayor Jala ang pang gabing operasyon ng mga floating restaurant matapos masira ng bagyo na nagresulta sa madilim na lugar at posibilidad ng panganib sa mga turista na dumadagsa sa pamosong tourist destination.
Pag-uusapan pa ani Lapid kung papaano iimplementa ang hiniling na proyekto, katuwang ang Department of Tourism at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority(TIEZA) na pinamumunuan ni Mark Lapid.
Si Senador Lapid ang chairman ng Senate committee on Tourism.
Ikinagalak naman ni Mayor Jala ang pag-tulong ni Lapid para maibalik ang night operation ng mga Loboc River Floating Restaurant.