Advertisers
LALO lamang nadidiin at nadadagdagan ang kinakaharap na kaso ni dating Pangulo Rody “Digong” Duterte dahil sa mga kagagohang pinaggagawa ng kanyang supporters, vloggers at pamilya.
Akala siguro nitong supporters ni Digong ay maaawa o makukuha nila ang simpatya ng mga hukom ng International Criminal Court (ICC) sa ginagawa nilang mga protest rally, pag-alipusta sa ICC at pagpapakalat ng mga pakeng balita o impormasyon tungkol sa kanilang tatay Digong.
Ang ICC ay isang international criminal court, walang kinikilingan, at ang tanging tinitingnan ay ang mga dokumento o ebidensiya laban sa isang nasasakdal tulad ni Digong.
Si Digong ay nahaharap sa kasong ‘Crimes against humanity’ kaugnay ng brutal war on drugs na kanyang ipinatupad noong siya ang presidente ng Pilipinas at noong mayor siya ng Davao City, kungsaan sinasabing nasa 30,000 ang pinaslang.
Si Digong ay inaresto ng International Police (IntePol) Marso 11, 2025 ng umaga sa NAIA, paglapag niya mula sa HongKong. At kaagad inilipad patungong The Hague, Netherlands kinagabihan para mawala na ang tensyon ng mga pagwawala ng kanyang supporters.
Sa pagkakakulong ni Digong sa ICC detention center sa The Hague, ang kanyang supporters sa Pilipinas pati sa iba’t ibang bansa partikular ang paid vloggers ay nagpakalat ng fake news at naghikayat ng mga pag-aaklas laban sa Marcos administration at inatake ang ICC Judges.
Ang bagay na ito ay lalong nagpainit sa kampo ni Marcos at sa ICC na diinan pa ang mga ebidensiya laban kay Digong.
Ang ibang bansa, tulad ng Qatar kungsaan ipinagbabawal ang mga political rally sa kalye, ay pinag-aaresto ang OFWs na nagwawala sa kalye. Ayon! Nagmamakaawa ngayon ang mga gago kay PBBM na tulungan silang makalaya.
Ang pagra-rally sa Qatar ay may parusang hanggang anim na taon na kulong at may malaking multa. Kawawa nga ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas sa nangyari sa kanila, dahil lamang sa pag-iidolo nila kay Digong na hindi naman sila personal na kilala at wala namang ginawa sa kanila para umasenso o makaahon sa pagiging OFWs. Ewan!
***
Mabuti naman at nahimasmasan narin si Digong sa loob ng kulungan ng ICC.
Naglabas ito ng statement sa pamamagitan ng kanyang anak, Vice President Sara Duterte-Carpio, na ‘wag nang gumawa ng anumang hakbang na lalo lamang magdidiin sa kanya sa kasong kinakaharap.
“He said, if you want to express your support, if you want to express your anger or if you want to express your satisfaction, he said, let’s not talk about the case and et’s not talk about what’s happening in the case. He said le’s not enterfere in his case at the Internationa; Crimina Cpurt. Let us let his lawyers and the court itself decide on what will happen or what will be followed as part of the court processes,” say ni VP Sara para sa kanyang tatay.
Mabuti naman at naisip nila ito, na mabuti pang manahimik nalang sila, mag-concentrate sa mga gagawin para ma-counter ang mga ebidensiya laban sa dating pangulo, kesa maglabas o gumawa ng mga hakbang na lalo lamang magdidiin kay Digong. Ebidensiya ang magdedesisyon sa kasong ito ni Digong sa ICC. Kaya kalma nalang kayo, DDS….