Advertisers

Advertisers

Dating kawani ng NFA patay sa ambush

0 10

Advertisers

Nasawi ang dating kawani ng National Food Authority (NFA) nang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin sa bayan ng Midasayap, Cotabato.



Kinilala ang biktimang si Datu Sindatu Sangid “Datu Roy” Dilangalen, 76-anyos, may asawa at residente ng Barangay Bual Norte, Midsayap.

Batay sa report ng Midsayap Municipal Police Station, 8:00 ng Marso 30, 2025, nang maganap ang krimen sa Barangay Road, Zone 7, Barangay Poblacion 7, ng nasabing bayan.

Ayon kay Lieutenant Colonel Arniel Melocotones, hepe ng Midsayap-MPS, minamaneho ng biktima ang kanyang pick-up matapos nitong ihatid ang kanyang misis sa town proper.

Habang pauwi ang biktima sa kanilang tahanan, bigla na lamang itong tinambangan ng mga suspek na nakamotorsiklo at pinagbabaril.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima at napunta ang sasakyan nito sa palayan habang mabilis namang tumakas ang mga suspek.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng krimen at dinala sa ospital ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran pagdakip.