Advertisers
Matagal ng problema sa buong Region 4A ang talamak na sugalan sa bawat probinsyang nasasakupan nito.
Hindi pa man humuhupa ang isyu tungkol sa panghihingi ng goodwill at weekly payola ng mga RD’s, PD’s, at COP’s sa senate hearing eh! tila walang takot ang grupo ng mga iligalista sa pagkalat nito sa REGION 4A, CALABARZON.
Ganun din umano ang mga kolektor ng 5 probinsyang ito na wala din takot sa pangongolekta ng para sa kanilang mga bossing PD’S.
Kung saan pa nagsimula ang grupo ng mga iligalista na may pandaraya doon pa talamak ang opisyo ng pagsusugal.
Kitang kita ito sa kasalukuyang estado ng mga probinsiya ng Region 4A na kinabibilangan ng probinsiya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON).
Sa kasalukuyang ang Batangas, Laguna, Rizal ang mga probinsyang pinaglulunggaan ng mga pamosong perya operators na may sugalang Color Game at Dropball na kadalasang may daya ang direktang pinu-proteksyunan ng mga kapulisan ng PNP Regional Command 4A na pinamumunuan ni PBGEN. PAUL KENNETH LUCAS.
Ang masakit,sa masamang sistemang ito na umiiral, hirap na nga sa pamumuhay ang mga mamamayan ng nasabing rehiyon ay pinalalala pa ng pagsusubo ng kultura ng pagsusugal (easy money) ng mga salot at oportunistang gambling operators na lantarang nagbibigay umano ng payola sa police command ni General Lucas na kinukulekta ng isang sarhento.
Ika nga,iginigisa sa sariling mantika ng mga gambling operators na ito ang mga mamamayan ng Region 4 sa kanilang pasugal na may daya.
Wala pong talo ang mga operators na ito na lantaran at literal na “hinoholdap” ang kuwarta ng mga mananaya.
Yes po,lahat po ng sugal sa isang peryahan o pergalan ay may daya gaya ng sa color games at drop ball.
Kaya kahit gaano kalaking goodwill at payola ang hingiin ng mga tauhan ni General Lucas at ng mga PD’s sa mga perya operators ay kayang-kayang ipagkaloob.
Ilan sa mga sikat na perya operators ng nasabing rehiyon ay sina Charlie BOY LIFE, EVELYN, JAYSON BAKAL, KA TESSIE, JOSIE at MELY ng Probinsya ng Batangas.
Sa Laguna naman ay sina BABY P, NESTY, JUNEL, OME, ROMEL at JUDAY ang promotor at operator.
Nasa SINILOAN, PAGSANJAN, STA. ROSA, STA. CRUZ at CALAMBA nakatarima at untouchable ang kanilang mga peryang may sugal.
Si BHERT, JESS, IZA, TATAY WOODY, RAMBO, RICHARD at MILO naman ang nasa Probinsya ng Rizal sa mga Bayan ng CARDONA, MORONG, TAYTAY, ANGONO, TANAY, CAINTA at ANTIPOLO CITY.
Ilan lamang sa mga lantad na pwesto ang mga ito na nasasakupan ng region 4A.
Lahat ng mga puwestong ito ay hagip ng payola collections ng tumatayong bagman ng PNP Region 4A na kinilalang si Sarhento na naka-assigned umano sa CIDG Region 4A.
What is amazing dito kay Sarhento, matapang ito at makapal ang mukhang gamitin ang pangalan ni RD LUCAS sa kanyang pangongolekta ng gambling payola.
Protection racket ah!
Sana all!
Ika nga,proud to be PNP Region 4A bagman.
In short,kolektong ng intelihensiya.
Sino nga ba itong kupal na si Sarhento General NICOLAS TORRE sir?
Ito pala ang kontrabida sa inyong NO-TAKE Policy laban sa iligal na sugal!
Bakit nananatiling namamayagpag at nangongolekta ng timbre para sa kapulisan ang pinagpalang pulisan na ito?
Nagre- remit din ba ito dyan sa opisina mo sa Camp Crame Gen.Acorda gaya nang sinasabi nitong pagre- remit ng regular na payola kay RD LUCAS?
Nagtatanong lang po mga sirs!
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com