Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
“NAG-stop na ako mag-worry sa ganyan, sa totoo lang,” umpisang pahayag ni Arci Muñoz tungkol sa pagkakaroon ng anak.
“Never ko inisip na napi-pressure ako.
“But all my siblings are married. They all have their families. They all have their kids.
“As of the moment, I am the best ninang. Okay na muna ako dun kasi para akong may anak sa mga pamangkin ko.
“Pero siyempe, gusto ko rin eventually magkaroon ng kids. Pina-plan ko magpa-freeze.
“Kasi kung wala pa ngayon, ano, ipilit ko?”
Magpa-freeze ng eggs ang siyentipikong proseso na tinutukoy ni Arci, na ngayon ay karaniwang ginagawa ng mga babaeng hindi pa nagkakaanak pero hindi naman na bumabata.
Nitong January 12 ay thirty six years old na si Arci at matagal na siyang single o loveless.
Iniaasa na ni Arci sa Panginoon ang pagkakaroon ng isang masayang married life at pagkakaroon ng mga anak.
“Yeah in the future, of course, I wanna be a mom. Pero ngayon, si Lord na lang talaga. “Ayoko na magplano, ayoko na ma-pressure.
“Kumakapit ako sa faith ko kay Lord. Kung ano man ang plano Niya, Lord, just direct me there.”
Pero ayaw ni Arci na magka-anak na walang asawa.
“Hayyy, huwag naman sana, Lord!
“Gusto ko naman ng partner sa buhay. “Malungkot yun.”
Aliw naman ang binanggit ni Arci na peg niya ng future husband niya.
“Pero kasi nga, standard ko, Jungkook!”
Si Jungkook ay miyembre ng phenolmal Korean boy group na BTS member na isa si Arci sa mga avid fans.
On a serious note, nais daw ni Arci na ang magiging life partner niya ay kasingbuti ng namayapa niyang ama.
“Kung paano yung dad ko sa mom ko, paano yung relationship ng parents ko. Mahirap makahanap ng kagaya ng papa.
“Feeling ko, single na ako for life!
“He’s the best, everything, taking care of the whole family, raising us kids.
“Nakita ko effort niya in raising all of us, putting us in good schools.
“Everything that I am, yung values ko, it’s all because of my parents, especially my dad.”
Samantala, muling mapapanood sa big screen si Arci sa pelikulang Sinagtala na mula sa, incidentally, Sinagtala Productions, ngayong April 2.
Sa direksyon ni Mike Sandejas, pawang gaganap na bida ni Arci sa pelikula sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Matt Lozano at Rayver Cruz.