Advertisers
Tatlong kaso ng frustrated homicide, paglabag sa RA -10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code ang kinakaharap ng 28-anyos na suspek sa pamamaril sa away kalsada sa Antipolo City.
Sa ulat ni P/Lt. Col. Ryan Manongdo hepe ng pulisya, kinilala ang mga biktima na sina Peter Guzon 52-anyos negosyante na nagtamo ng tama ng bala sa ulo, Patrick Guzon 22-anyos 3rd year college kapwa nakatira sa Brgy. Daang Hari, Navotas at Davis Menor 29-anyos ng Brgy. Dela Paz, Antipolo City.
Habang arestado naman ang suspek na nagtangkang tumakas na si Kenneth Alajar Bautista, 28-anyos ng Southville, Pinugay Baras Rizal.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, dakong 5;00 ng hapon mangyari ang Road Rage sa Marcos highway, Sitio Calumpang, Brgy. San Jose sa lungsod.
Nanauwi sa pamamaril ng suspek kay Peter sa ulo at ikinasugat pa Nina Patrick at Davis na kapwa mga isinugod sa Cabading Ospital.
Tumakas a suspek na si Kenneth sakay ng itim na Fortuner na may plakang DAN-7421 ngunit nasakote ito sa inilatag na border checkpoint ng pulisya sa bahagi ng Masinag sa lungsod.
Narekober sa suspek ang isang 9mm na may SN#F295179, isang magazine na may 15 bala, isang magazine na may 7 bala at 8 fired cartridge ng kalibre 9mm.
Nilinaw naman ni SP04 Ponzalan na walang naiulat na nasawi sa pamamaril sa away kalsada kundi kapwa mga nilalapatan ng lunas sa ospital ang mga ito.
Nakapiit na ng suspek sa detention cell ng pulisya. (EDWIN MORENO)