Advertisers

Advertisers

Rozz Daniels busy na sa recording ng bagong bersyon ng ‘Ibang-Iba Ka Na’

0 23

Advertisers

Ni Blessie Cirera

NAKABALIK na ng bansa kamakailan ang Pop Rock Diva na si Rozz Daniels para simulan na ang kanyang pagre-record ng female version ng awiting Ibang-Iba Ka Na na unang isinaplaka ni Renz Verano.

Kasama ni Rozz dumating ng Pinas ang napaka-supportive sa kanyang music career na mister na si David Daniels.



Nakipag-meeting na si Rozz sa composer ng Ibang-Ibang Ka Na na si Evie Quintua.

Pinag-usapan na ng dalawa ang mga plano nila sa pagre-record ng nasabing sikat na kanta na 30 taon na ang nakararaan ay sikat pa rin at maririnig na kinakanta pa ng ilan hanggang ngayon.

Sa isang entertainment bar ay pinarinig ni Rozz kay Evie at sa kanyang musician hubby na si Nicanor ang rendisyon niya ng Ibang-Iba Ka Na.

At dahil nasa bansa na, nakatuon ang atensyon ngayon ni Rozz sa kanyang pag-awit. Inaayos pa ang ilang balak niya para sa kanyang career sa musika.

Samantala, plano naman ni Evie na gumawa ng short film para kay Rozz na maliban sa pag-awit ay mailalabas din ng singer ang talento nito sa pag-arte.



Welcome home Rozz at aabangan namin ang rendisyon mo ng Ibang-Iba Ka Na at ang muling concert mo ngayong taon.