Advertisers

Advertisers

Protocol sa “Big One”, muling detalyohin bilang paghahanda sa sakuna

0 27

Advertisers

Nakalulungkot ang nangyari sa bansang Myanmar at Thailand nitong nagdaang linggo – nilyanig ng 7.7 magnitude na lindol ang dalawang bansa. Maraming naiulat na namatay – libo na at pinaniniwalaang tataas pa….libo rin ang sugatan.

Napanood naman ninyo sa social media ang pangyayari – pagguho ng naglalakihan gusali at iba pa. ‘Ika nga e, mistulang ground zero.

Dito sa bansa, Pilipinas ay pinaghahandaan ang “Big One” pero walang makapagsabi kung kailan mangyari ito. Wala pang instrumentong naiimbentong instrumento na nakapagsabing kung kailan aatake ang isang lindol at sa halip ang mayroon pa lamang ay ang para sa bagyo.



Iyan ang limitasyon ng Agham hindi kayang pantayan ang Diyos.

Ano pa man, bagamat walang makapagsasabi kung kailan mangyayari ang Big One (huwag naman sana Panginoong Diyos) ay ginagawa na ng gobyerno ang lahat – pinaghandaan lahat sa pamamagitan ng iba’t ibang estratehiya kabilang na ang regular earthquake drill na ginagawa sa mga eskuwelahan, opisina at iba pa. Ginagawa ito upang kahit na papaano kapag sinorpresa ng lindol ang bansa ay handa ang mamamayan at maalam na kung ano ang dapat na gawin para sa kanilang kaligtasan.

Kaugnay ntio, naniniwala si senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na dapat muling suriin ang umiiral na protocol ng pamahalaan sa pagtugon sa “Big One” sa Metro Manila.

Sa kabilang dako, si Abalos ay nagpahayag naman ng pakikiisa sa mga mamamayan ng Myanmar at Thailand matapos ang 7.7 magnitude na lindol na tumama sa dalawang bansa at aniya’y sa nangyaring ito ay dapat paghandaan ng pamahalaang Pilipino ang kinakailangang tulong na maaaring hilingin ng Myanmar at Thailand mula sa kanilang mga kapitbahay sa ASEAN at sa pandaigdigang komunidad.

“The international community were there during the times that the Filipinos needed their help due to calamities, we should also prepare the necessary assistance that we could provide if in case the governments of Myanmar and Thailand need help,” saad ni Abalos.



Sinabi ni Abalos na ang epekto ng lindol ay isang wake-up call para sa mga awtoridad ng gobyerno upang muling suriin at i-update ang umiiral na protocol para sa “Big One,” isang malakas na lindol na maaaring tumama sa Metro Manila anumang oras.

Si Abalos, na dating nagsilbing chairperson ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ay nagsabing may mga umiiral nang paghahanda para sa “Big One,” ngunit dapat itong regular na i-update upang mas maraming buhay ang mailigtas.

Bukod sa regular na pagsasagawa ng earthquake drills, binigyang-diin ni Abalos ang pangangailangang palawakin ang pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa mga dapat gawin pagkatapos ng isang malakas na lindol, hindi lamang para sa mga residente ng Metro Manila kundi pati na rin sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Ipinaliwanag niya na napakahalaga ng unang pagtugon sa matitinding lindol, dahil maraming buhay ang maaaring mailigtas sa loob ng mga unang oras matapos ang sakuna.

“Mahalaga na alam ng ating mga kababayan ang gagawin at alam na alam at kabisado na ng mga ahensya ng pamahalaan ang gagawin in case mangyari nga itong kinatatakutan nating the Big One,” saad ni Abalos.

Tama, dapat parating paghandaan ng pamahalaan ang Big One – isa na ngang rito ang suhestiyon ni Abalos na muling suriin, pag-aralan at i-update ang kasalukuyang protocol upang mas maraming buhay ang makaligtas sa sakuna. Suriin hindi bukas o sa susunod na araw kung hindi ngayon na. Kailanman kasi ang ipagpapabukas ang maaaring gawin ngayon ay nakakapatay….kung saan ang bandang huli ay nagsisisihan na ang lahat.

Kailangan nga ba dapat suriin at i-update ang protocol? Bukas nga ba? Naku po, huli na iyan…better prevention (prapared) kaysa …sana…sana…sana…kumilos na tayong lahat, makiisa sa mga program ang pamahalaan bilang paghahanda sa sinasabing “Big One”.