Advertisers

Advertisers

Prinsipyong tapat, totoo, hindi korap, hindi manloloko, hindi mang-iiwan – Mayor Honey

0 26

Advertisers

“Tapat, totoo…. hindi korap, hindi manloloko, hindi mang-iiwan.”

SINA Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at Congressman Joel Chua ay mainit na sinalubong ng mga residents matapos pangunahan ang city-wide motorcade nitong weekend. (Mla. PIO)

Ito ang prinsipyong ipagpapatuloy ni Manila Mayor Honey Lacuna, at ng buong Asenso Manileño, isang pangako na kanilang binitawan sa harap ng Loreto Church sa Sampaloc, kung saan niya pinangunahan ang buong tiket ng Asenso Manileño sa simula ng unang araw ng kampanya nitong Biyernes via a proclamation rally.




SINA Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Kasama ang kanilang kandidatong Congressmen na sina(mula kaliwa) Congressman Joel Chua (3rd district), comebacking first district Congressman Manny Lopez, Congressman Benny Abante (6th district) Congressman Rolan Valeriano, Dr. Giselle Maceda (fifth district) at Congressman Irwin Tieng (fifth district). Lima sa anim na Congressmen sa Maynila ay nakasuporta sa Lacuna-Servo tandem. (JERRY S. TAN)

“Tatlong taon na ang nakaraan, dito sa lugar na ito tayo nagsimulang mangarap at unang gumawa ng kasaysayan. Ngayon, narito na naman tayo, na muling humaharap sa Diyos at sa inyo. Dito sa Sampaloc, kung saan unang minahal ng mga batang Sampaloc,
ang kanilang konsehala, ang inyong doktora, ang ginawa ninyong kauna-unahang babaeng alkalde, ng lungsod ng Maynila,” pahayag nito.



SI Lacuna, na siyang namumuno sa Asenso Manileño,ay muling dineklara ng Commission on Elections (Comelec) bilang ruling dominant party sa Manila, ay sinamahan ng kanyang kaalyado at incumbent Vice Mayor Yul Servo, Lima sa anim incumbent Congressmen at majority ng members ng Manila City Council pawang tumatakbo sa ilalim ng administrasyon ni Lacuna.

“Sa harap mismo, ng simbahan ng Loreto, mangangako tayo na sa ating pamilya, walang iwanan! Dahil ang nang-iiwan sa pamilya, ay nang-iiwan sa sambayanan! Napakarami na nating nagawa at hindi tayo papayag na ang mga ito’y maliitin o insultuhin, ninuman.



Hindi man perpekto, ang Maynila natin , hindi rin ito dugyot.

Ang Maynila natin ay puno ng pangako at pag-asa,” pahayag ni Lacuna sa harap ng 12,000 taga-suporta na dumalo sa jampacked proclamation rally sa Earnshaw area kasama na ang mga bangketa.

“Ang sabi ng mga mamamayan, hindi semento o ilaw ang hinahanap nilakundi trabaho. Ang sabi ni lolo’t lola, hindi lata ng gatas ang hinihingi nila kungdi benepisyo. At ang sabi ng mga vendor sa Divisoria, hindi permiso ang hinihiling nila kundi kapanatagan na hindi na muling babalik ang mga nangongotong sa kanila,” sabi ng alkalde.”

Idinagdag pa ni Lacuna: “Hindi natin hahayaan na sayangin ng mga taksil, ang lahat ng serbisyo at benepisyo na naibigay natin saating unang termino.” kasabay ng kanyang kahilingan sa mga residente na manatiling nagkakaisa sa likod ng pamilya Asenso Manileño sa pagtataguyod ng mabuting prinsipyo, mabuting asal at pag-uugali at dangal.

“Kasama ang Diyos at bayan bilang ating saksi, hinding-hindi ko kayo pababayaan. Lalong-lalo na, ni sa panaginip, ay hinding-hindi ko kayo iiwan… dahil tayo ay tapat. Hindi tayo korap. Tayo ay totoo, hindi tayo manloloko!” Ito ang madamdaming pahayag ni Lacuna sa gitna ng sigawan ng libo-libong dumalo sa kanilang proklamasayon. (ANDI GARCIA)