Advertisers

Advertisers

PAHIWATIG SA ‘28

0 2,338

Advertisers

Papasok ang maingay na kampanya sa halalan sa Marso 28, pang-aakit ng mga kandidatong lokal mula punong lalawigan, bise, bokal, kinatawang bayan, alkalde hanggang sa pinaka mababang pwesto ng konsehal ng bayan. Sa totoo lang, nagsimula ang pang-aakit ng maupo ang mga nagsipagwagi noong ’22. Magaganap ang pang-aakit ng dati o nagbabalik na halal ng bayan at ilang mga bago na ibig malasap ang maalwang buhay nang isang halal na opisyal ng taong bayan. Sa mga nagaping magbabalik, ang ipaghihiganti ang sa nakaraan pagkatalo ang layon kontra sa mga kasalukuyang halal ng bayan. Sa kagalingan ng mga nagwagi sa nakaraan, silip ang pagbaba ng mga programa ng pambansang pamahalaan na sinasakyan gamit ang mga “forms” na bitbit ang ngalan na bentahe sa laban sa katunggali. Walang pagsisino dahil ang kaganapan sa maliit na pamayanan ang gaganap sa lipunang ginagalawan.

Sa galawang pulitika sa kasalukuyan bentahe ang mga kandidato na bitbit ng administrasyon sa ngalan ng pagsakay sa mga programa ng pamahalaan, tulad ng ayuda. Sa pagmamasid, karaniwang doble kayod ang mga tumatakbo sa pwesto na ‘di kabilang sa administrasyon ngunit gapi ng maagap ang masipag na nagsimula ang pang-aakit ng botante sa araw na nagsimula ang termino ng mahalal sa laban na nasalihan. Hindi tumigil sa pang-aakit ang mga kasalukuyang halal ng bayan na ipinabababa kuno ang programa ng pamahalaan bilang bahagi ng serbisyong pangako. At inuusal ang patuloy ng pagtangap sa ayuda na galing kuno sa kanya o kanyang inisyatibo. Samantala, doble kayod gawa ng mga humahabol na nasa kabilang lapian na nakabase sa pangako ang gagawin na malayo sa ginagawa na tuwirang pamumudmod ng mga nakaupong lider. May kahirapang makamit ang pagsang-ayon ng mga bobotante na nasa kabilang lapian na nasanay sa politikang ayuda gawa sa mga taong kapos sa pantustos na ginawang kalakaran sa politika.

Ang malawak na imprastraktura ng mga taong gagalaw sa halalan ang mahalaga ng maipaabot ang layon sa pinakamaliit na bahagi ng lipunan, ang pamilya. Ang paggamit na pantustos ang gasolinang kailangan sa pagpaparating ng ibig sa mga tahanan ng mga manghahalal higit sa mataong bahagi ng lipunan. Ang programang ayuda na dala ng kasalukuyang pamahalaan na ginagamit ng mga nasa pwesto ang may kahirapang pantayan na ngalan ang dala at walang maiabot sa mga taong naghihintay ng biyaya. Nariyan ang magandang layon, ngunit ang ‘di o walang maiabot sa harapang kampanya ang usapin ng kaganapan sa baba ng lipunan. Tanggap ng tao ang bigayan sa kampanyahan at ang may inaabot ang dinadagsa ng mahihirap na bobotante higit may tatlo o anim na kilo ng bigas na pansaing sa ilang araw.



Mabigat ang laban sa halalan sa kasalukuyang panahon at higit na bibigat ang sa pagpasok ng halalang kasama ang pwesto ng pangulo. Sa pagsusuri, kapansin-pansin ang ilang lider politika na tila nagpapahiwatig ng asam sa mataas na pwesto kahit hindi nag-uusal ng ibig. Ang panunulay na pananalita ang basehan ng pag-ibig sa pinaka iibig na pwestong tatanganan sa darating na panahon. Sa uri ng mga kasalukuyang mga halal ng bayan higit ang nasa bugok na kapulungan ang magnais sa panguluhan ang sinisipat ng may kagalingang kinatawan. Ang pagbabasa sa kilos ang ikalawang basehan na ibig maging pangulo ng may tabil na kinatawan na tila inaakit ang prinsesang nasasadlak sa pagpapasipa ng bumigay sa asam na pwesto. Ang kababawan sa pag-iisip o pag-aanalisa sa sitwasyon ng bangit na prinsesa ang sangkalan sa kilos ng tusong politiko sa pagkumbinsi na isantabi ang laban para sa kinabukasan na ‘di pansarili sa halip usaping pamilya na nakasalang sa iba’t ibang isyu.

Mapino ang pahiwatig ng pangulo ng bugok na kapulungan na tunay na nakakalambot sa posisyon ng sino mang dumadaan sa pagsubok sa buhay. Ang pagpapabalam sa usapin ng pagpapasipa ang galawang ibig ng prinsesa ng katimugan na nagbibigay panahon sa pag-aayos na kailangan ng amang nasa oblo ng piitan sa ibang bansa. Ang panahon na gamit na tinatamasa ng kaTimugan ang sandata ni Keso ng bugok na kapulungan ng bumigay ang kaTimugan sa ibig na magdadala kay Keso sa biglaang oportunidad na pangarap. Samantala, lawakan ang pagbabasa sa sitwasyon mga kababayan sa ibig ng Kesong ahit na makuha ang bobotante na lunod sa lason ng ayuda na gamit ng kaTimugan sa nalalapit na panahon.

Ang matamis na pananalita ng Keso ng bugok na kapulugan ang lason ang ‘di pansin ni Inday Siba na sa panahon na makamit ang asam ng mapagpanggap na kaibigan, ang buksan ang pagdinig sa pagpapasipa’y magaganap na tila kisap. Hindi kailangan ang matagal na panahon sa pagpapasipa kay Inday Siba sa kadahilanang nariyan ang mga dokumentong magagamit sa mabilis na pagpapatibay sa sakdal na hinaharap. Asahan na sa ilang panahon, mababatid ang ugnayan ng magiging magkasangga gayung nasa magkabila ang lapiang kinabibilangan. O’ ibibigay ang basbas at pantustos sa ngalan ng proteksyon sa ano mang haharaping usapin sa darating na panahon. Ang masakit, nariyan ang katungali sa mismong kaTimugan na batid ang pagiging malasakit ngunit ‘di maganda ang ugnayan kay Inday Siba.

Tunay na mabuti ang maagap sa masipag, subalit hindi sa lahat ng panahon nagbubunga ng maayos ang paghahanda higit nakasalang ang kagalingan ng nakakarami. Ang paghahanda ng may pag-iimbot ang salang gawa na ‘di nagbubunga ng matamis higit hinog sa pilit ang pagpitas. Ang kaayusan sa mundong ginagalawan na nagbigay lakas loob sa Keso ng senado umaasam sa mataas na pwesto sa kinabukasan. Ang nabatid na kagalingan sa nasamahan may kabulukan ang maling panuntunan sa sarili dahil iisa ang itsura at kulay sa mga nakasama. Laging may balakid sa palad na asam higit hindi makitaan ng likas na pagsang-ayon ang kasalukuyang kalagayan para sa kinabukasan.

Ang pahiwatig sa ’28 ang salang kilos na ‘di inusal ngunit bakas ang pagnanasa sa pwestong inaasam. Sa natatanaw na mga makakatungali sa ’28, nakikita ni Keso ang pagiging angat sa iba sa pag-iisip at salitang tila makata na ‘di maintindihan ng tao sa laylayan. Matarik ang landasin sa ’28, ngunit ang makuha ang isang pwersa sa halalan ang galawang matingkad sa pagbalam sa pagpapasipa kay Inday Siba at maging ang bilyong donasyon na ilalagak sa paglakad ng ambisyon sa ’28. Malakas ang pahiwatig ngunit ‘di makakawala ito sa kalembang ng Batingaw. Labanan ang pahiwatig sa ’28.



Maraming Salamat po!!!!