Advertisers
KITA n’yo itong pag-uugali ng mga kababayan natin sa ibang bansa na nahumaling o nabudol ni Digong Duterte. Nang pag-arestuhin ng mga otoridad sa Qatar dahil sa iligal na pagsagawa ng protest rally para kay Digong laban sa gobiernong Marcos, kay President Bongbong Marcos din hihingi ng tulong para sila mapalaya.
Oo! itong ilang Duterte Diehard Supporters (DDS) na sinasamba ang demonyong dating pangulo ay nag-organisa ng protest rally sa Qatar, nanawagan na palayain ng International Criminal Court (ICC) si Digong na nakakulong sa Netherlands, at binaboy si PBBM, ay nanawagan ngayon sa gobiernong Marcos na tulungan silang mapalaya matapos arestuhin ng Qatari police.
Ito ang sinasabi natin na gagawa-gawa ka ng katarantaduhan, binalahura ang pangulo ng bansa, tapos sa pangulo rin hihingi ng tulong para sila mapalaya.
Ang protest rally sa Qatar ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang sinumang lumalabag dito ay may parusang kulong ng hanggang tatlong taon at may multang libong dolyares.
Actually, ito’y kasalanan din ng ilang DDS vloggers na nanghikayat sa OFWs na magsagawa ng rally para tulungan ang kanilang sinasambang demonyong dating pangulo. Dapat, ang makulong lamang dito ay yung mga nag-organisa ng naturang rally, at hindi sila dapat tulungan ng gobierno ng Pilipinas para maturuan sila ng leksyong sumunod sa batas ng bansa kung saan sila naghahanapbuhay.
Opo! Hindi tayo dapat lumabag sa mga ipinatutupad na batas kungsaan kayo nanunuluyan o nagtatrabaho. Nandiyan kayo para magtrabaho para sa inyong pamilya, hindi para sa isang taong hindi naman kayo personal na kilala. Mismo!
Ang kasalanan ni Digong sa sangkatauhan ay gawa niya, resulta ng kanyang kahambugan, kaya hayaan siyang managot sa batas.
Huwag na nating ipilit na dapat ay sa korte ng Pilipinas litisin si Digong dahil malabo pa sa ata ng pusit na maparusahan si Digong kung sa ating bansa ang siya ihabla. Dahil ang batas sa Pilipinas ay para lamang sa mga walang kakayahan, hindi sa katulad ng Digong.
Pasalamat nalang tato at mayroong ICC na lumilitis sa mga demonyong lider, at nabibigyan ng hustisya ang mga inosenteng biktima ng kanyang kademonyohan.
Anyway, kumilos narin ang Marcos govt. na tulungan ang mga inarestong DDS sa Qatar. Sana nga ay mapalaya na sila at magbagong buhay na.
Muli, sa ating mga bayaning OFWs, ‘wag makinig sa mga nagbubuyo sa inyo na gumawa ng kalokohan d’yan sa bansang inyong pinagtatrabahuan kung ayaw ninyong makulong. Nandyan kayo para sa inyong mga mahal sa buhay. Okey?
***
Itong ate ni PBBM na si reelectionist Imee Marcos ay hindi na dapat mahalal pa o maibalik sa puwesto. Isa siyang pabigat sa Marcos. Mismo!
Mantakin mo, ang kanyang utol na si Pangulong Bongbong ay ginagawa ang lahat para maituwid ang mga pagkakamali ng kanilang yumaong ama noon na si Ferdinand Sr, siya (Imee) naman ay winawakwak ang administrasyon ng kanilang bunso (PBBM).
Dapat dito kay Imee ay ibasura sa Mayo 12. Hindi yata ito kapatid ni PBBM eh. Hehehe…