Advertisers
SA nalalabing dalawang linggo ng Ang Himala ni Niño, mas marami pang magagandang pangya
yari, himala, at aral ang matutunghayan sa seryeng napamahal sa maraming manonood.
Simula nang umere ang Ang Himala ni Niño, pinukaw nito ang damdamin ng mga manonood sa kwentong puno ng pananampalataya, pag-ibig at pag-asa. Kinilala ito bilang Best Values-Oriented Program sa 10th Platinum Stallion National Media Awards, habang si Zion Cruz ay itinanghal na Best Child Performer sa 38th PMPC Star Awards for TV at Child Star of the Year sa Platinum Stallion National Media Awards. Si K Brosas naman ay pinarangalan bilang TV Actress of the Year.
Nominado rin ito sa 6th VP Choice Awards, kabilang ang TV Series of the Year (Daytime), TV Actor of the Year para kay Zion at TV Supporting Actor of the Year para kay Kych Minemoto.
“Three years ago, inspired by the heartfelt journey of Niña Niño, we thought of going into Niño’s character, viewing the world’s goodness through the eyes of a child. Today, with Ang Himala Ni Niño, we’ve realized that vision.
“MQuest Ventures, TV5 and our production team at CS Studios are grateful for the opportunity to share a story where kindness prevails, reminding us that there will always be hope – a place like Bukang Liwayway,” pahayag ni Peter Dizon, Producer/Creator ng Ang Himala Ni Niño.
Sa huling dalawang linggo, mas titindi pa ang mga pangyayari at pagsubok na haharapin ng bawat karakter. Mababasa ang mga liham ni Lolo Mars (Freddie Webb) na puno ng rebelasyong magpapabago sa buhay ng mga tao. Hindi uurong si Victor (Cedrick Juan) sa laban kontra katiwalian sa kanilang bayan, habang si Niño (Zion Cruz) ay haharap sa matinding desisyon. Mananatili ba siya sa Bukang Liwayway o ito na ang huling pagkakataong makakasama siya ng lahat?
Habang nagbabalikan ang mga dating mukha at bumabangon muli ang kanilang komunidad, isang huling pagsubok ang yayanig sa kanila. Kaya ba nilang harapin ito nang sama-sama? At anong himala ang magbabago sa kanilang kapalaran?
Huwag palampasin ang nalalabing dalawang linggo ng Ang Himala ni Niño. Mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 11:15 AM sa TV5 bago ang Eat Bulaga!