Advertisers

Advertisers

Lalaki nangholdap gamit baril barilan

0 8

Advertisers

Huli ang 29-anyos na lalaki nang holdapin ang kalugar na call center agent gamit ang isang baril-barilan sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, mahaharap sa kasong Robbery (Hold-up) ang suspek na si alyas “Andy”, ng Naticidad St., Brgy. Mapulang Lupa.

Sa imbestigasyon ni PMSg Joel Sia, habang ginagamit ng biktimang si alyas “Ken”, 23, call center agent at residente din sa naturang barangay ang kanyang cellphone sa kanto ng Sto. Rosario at Benito Sts., Brgy. Mapulang Lupa nang biglang sumulpot sa kanyang harap ang suspek at tinutukan siya ng baril sabay nagpahayag ng holdap 5:00 ng madaling araw.



Sa takot sa kanyang kaligtasan, hindi na pumalag ang biktima nang pagbantaan ng suspek at sapilitang kunin ang cellphone niya na nagkakahalaga ng P10,000 bago mabilis na tumakas patungong CF Natividad Street.

Ini-report ng biktima ang insidente sa Ugong Police Sub-Station (SS8) at sa isinagawang follow-up operation nina PSSg Al Sanchez at PCpl Jhin Kenneth Sison ay agad namang naaresto ang suspek.

Nakumpiska sa suspek ang isang replica ng cal. 45 baril na kanyang ginamit sa panghoholdap at ang cellular phone ng biktima.(Beth Samson)