Advertisers
NANATILING top choice si Senator Christopher “Bong” Go kapwa sa aided at unaided voting preference categories ng Pahayag 2025 First Quarter national survey para sa 2025 senatorial elections.
Ang survey ay isinagawa ng Publicus Asia Inc. mula Marso 15 hanggang 20.
Sa botohan ng 1,500 respondents sa buong bansa, lumabas sa survey na si Senator Go ang “most preferred candidate” para sa 2025 senatorial elections sa nakuha niyang 45% sa aided voting segment.
Sa unaided senatorial preference segment naman ng parehong survey—kung saan pinangalanan ng mga respondent ang mga kandidato nang walang hawak na listahan—nangunguna pa rin si Senator Go sa nakuhang 17% ng spontaneous mentions.
Binibigyang-diin nito, hindi lang ang “strong recalls” ni Go sa mga botante, kundi maging ang authenticity ng kanyang support base patungo sa halalang 2025.
“Ginagawa ko lang ang trabaho na iniatang sa akin—tumulong sa abot ng makakaya at siguraduhin na ang serbisyo ng gobyerno ay mailapit sa ordinaryong tao sa paraang may malasakit,” ang reaksyon ni sa nakuhang matibay na survey results.
“Alam ko kung gaano kahirap ang buhay para sa marami nating kababayan, kaya hindi puwedeng puro salita lang—dapat may gawa.”
Bukod dito, si Go rin ang nakakuha ng pinakamataas na approbal at trust ratings sa mga kasalukuyang senador.
Pinangunahan niya ang approval rating na may 31% at 28% trust rating, lampas pa sa grado ng mas matatagal na sa Senado.
Bilang tagapangulo ng Senate committee on health and demography, si Go ang nangunguna sa pagsusulong ng makabuluhang mga hakbang sa kalusugan ng publiko, partikular ng mga mahihirap.
Kabilang sa pinaka-tangible na legasiya ng kanyang health advocacy ay ang Malasakit Centers program na tumutulong sa mahihirap na pasyente sa pagliit ng kanilang gastusin sa ospital. Si Senator Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa inisyatiba upang matiyak ang pagpapatuloy at pag-abot nito.
Umakyat din si Senator Go sa pinakamataas na puwesto sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Stratbase, sa 42% voters preferences.
Napanatili din niya ang mataas na ranggo sa iba pang survey, gaya ng Pulse Asia na may 58.1%.