Advertisers
Ni Beth Gelena
NAGULAT si Angelica Panganiban sa midnight snack post ni Kathryn Bernardo.
May post si Kath para sa kanyang birthday photoshoot.
Naka-black top and bottom, and a sultry ‘wet hair’ look, kung saan napaka-gorgeous ang aktres sa kanyang kasuotan..
Naka-agaw pansin sa netizens ang reaksyon ni Angge sa posted photo ni Kath dahil sa funny comment ng una.
Ang caption ni Kathryn, “Welcoming my 29th with a midnight snack,” kung saan may hawak siyang junk food.
Ang daming celebrities na nagpadala ng birthday wishes sa kanya.
Like Ina Raymundo, saying, “Happy Birthday, Kath! You’ve grown into such a beautiful lady!”
Cassy Legaspi playfully commented, “OMG HAPPY FLAMING BIRTHDAY INDEED.”
Heart Evangelista, Kyline Alcantara, and Rabiya Mateo, also greeted Kathryn in the comments too.
Pero, mas napansin ng netizens ay ang witty comment ni Angelica.
“Di ako ganyan nakain ng chicha… hay, how to be you. Happy Birthday, Katreng!”
Hindi raw siya ganoon ka-glamorous habang kumakain ng sitsirya.
May nagtanong naman sa aktres, ‘Angge kelan ka ba babalik sa showbiz. It’s been a long time na. Malaki na si Bean… Miss ka na namin. Gawa ka na uli ng TV series o movie.”
“Tuloy na ba AngBeKi movie nyo nina Kim Chiu at Bela Padilla?”
***
GARAGE SALE NI MEME VICE MAPUPUNTA SA SCHOLARSHIP PROGRAM
NAG-umpisa na ang garage sale ni Vice Ganda kahapon, March 27 hanggang March 30.
Gaganapin ang Garage Sale sa 33 Sct. Santiago Diliman, Barangay Laging Handa, Quezon City.
Maging ang partner niyang si Ion Perez ay magbebenta rin ng mga gamit na hindi na niya kailangan.
Sabi nga ni Vice, hindi lahat ng gamit niya ay clothes, shoes, personal things at iba pang mga kagamitan ay mga used na.
Halos ang mga ito ay branded na ang iba ay hindi pa niya nagagamit dahil nagustuhan lang niyang bilihin, gayundin daw si Ion.
A garage sale is also called a yard sale, moving sale, or tag sale. This is an informal event where people sell their used or unwanted items – as they say, one man’s trash is another man’s treasure.
Mag-uumpisa ang garage sale mula10 AM to 6 PM at may entrance fee na P50.00.
100 guests will be accommodated for an hour, and it is encouraged that they bring their own ecobags. The proceeds will go to the scholars of the ABS-CBN superstar.
“Proceeds of the garage sale will benefit Vice Ganda’s scholars,” anunsiyo ni Meme Vice.
***
KIMPAU MAGKAIBIGAN LANG DAW PERO GANOON SILA MAGHALIKAN — ANGELICA
UM-attend ng premiere night sina Angelica Panganiban at Bela Padilla sa pelikula ng kaibigan nilang si Kim Chiu, ang My Love Will Make You Disappear kapareha si Paulo Avelino.
Ani Angge, “Congratulations Kim. Parang si Kim lang talaga yung gusto kong i-congratulate panalong-panalo siya sa lahat ng ginawa niya kay Pau.”
Dagdag naman ni Bela, “Grabe, Kim in her most daring role!”
Hanggang matapos ang movie ay binilang ng AngBe kung ilang beses naghalikan ang KimPau.
“84 million!” sey ni Angge.
“I loved it, feel good. Tawang-tawa kami” pakli ni Bela.
“Mula umpisa hanggang sa natapos, talagang ngumingiti ka lang. Of course, may mga moments na makikinig ka, pero most of the time talagang mapapasigaw ka, matatawa ka nang malakas. Laugh out loud film siya.”
Ani pa ng beshies ni Kim, “Nakaka-proud bilang mga kaibigan dahil kitang-kita mo na tinrabaho talaga ni Kim ‘yung buong pelikula at bagay na bagay talaga sila ni Pau. Dito ko na-confirm na bagay nga sila.”
May nagtanong sa AngBe, bilang close friend nila si Kim, “what do they think is the real score between Kim at Paulo?
Ang bilis ng sagot ni Angelica, “Friends daw sabi nila sa movie. Pero ganoon maghalikan!”
Aside from other celebrities na sumuporta sa KimPau movie, presenr din ang mga ABS-CBN executives – ABS-CBN chairman Mark Lopez, CEO and president Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, Star Magic head Laurenti Dyogi, ABS-CBN Films head Kriz Gazmen, Corporate Communications head Kane Choa, Star Music head Roxy Liquigan and a lot more.