Advertisers

Advertisers

115 Pinoy convicts sa UAE nabigyan ng pardon – PBBM

0 9

Advertisers

KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 115 Filipino convicts sa United Arab Emirates ang nabigyan ng royal pardon bago ang Eid’l Fitr, na tanda ng pagtatapos ng Islamic holy month of Ramadan.

Sa isang press release, pinasalamatan ni Marcos si UAE President His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan para sa ‘compassionate act’ ng kanyang bansa.

“Naaalala namin kung paano pinatawad ng UAE ang 143 Pilipino para sa Eid-Al-Adha noong nakaraang taon at 220 sa okasyon ng kanilang Pambansang Araw,” sabi ni Marcos.



“Ang kilos na ito ay repleksyon ng espesyal na partnership ng ating mga bansa, na nakapaloob sa halos isang milyong Pilipino na ginawang tahanan nila ang Emirates at sa mainit na personal na pagkakaibigan at paggalang sa isa’t isa sa pagitan ng aking sarili bilang pinuno ng sambayanang Pilipino at Sheikh Mohamed bilang pinuno ng Emiratis,” dagdag niya.

Ipinaalam sa Department of Foreign Affairs ng UAE Embassy sa Manila ang royal pardons noong Biyernes.

Humingi na rin ang UAE ng tulong sa Pilipinas sa pagpapadala ng mga pangalan ng mga pinatawad. (Vanz Fernandez)