Advertisers
TRAILER pa lang pero all-praises na ang netizens sa bagong pelikulang ‘Sinagtala,’ starring Glaiza De Castro, Rayver Cruz, Rhian Ramos, Matt Lozano, at RC Muñoz.
“‘Di ko pa napapanuod, naiiyak na ko!” comment ng isang netizen sa higit isang minutong trailer ng pelikula na naka-upload sa Youtube channel ng GMA Pictures.
Paano ba naman, mula istorya, acting, at soundtrack, madadala ka talaga.
Tungkol ang kwento sa mga miyembro ng bandang ‘Sinagtala’ na matapos magkawatak-watak ay nasadlak sa kani-kaniyang matinding problema sa buhay.
Sa trailer, makikitang nakulong si Rayver, nabuntis nang ‘di oras si RC, natuklasan ni Rhian na ampon siya, at ay may lihim na itinatago si Matt sa tatay niya.
Sabay tanong ng character ni Glaiza, “Ano sa tingin niyo y’ung purpose niyo sa buhay?”
Bihira nating marinig ang ganyang linya sa mainstream Pinoy films. Kadalasan kasi, kung hindi romantic love story, action na puno ng paghihiganti.
Hindi tuloy napigilan ng netizens na ma-impress at ma-excite sa pelikula.
“Looks like a really promising movie!”
“Goosebumps.”
“Kaabang-abang!”
Talagang dapat abangan ang pelikula na ito kasi una, hindi gasgas ang storytelling, at pangalawa, hindi kamunduhan ang mensahe gaya ng kasanayan.
Sa pelikulang ito, ginamit ni Direk Mike Sandejas ang trademark niya – ang magic ng musika – para ituro sa manonood kung paano hanapin ang norte ng kanilang buhay.
Matapang nitong tinatalakay ang mga problema ng bagong henerasyon, at matapang pero malumanay rin nitong sinasalungat ang modernong paraan ng paghanap natin sa kahulugan ng buhay.
Good job sa GMA sa pagpili ng star-studded at talented cast na talagang nabigyan ng hustisya ang lalim ng pelikula.
Paglabas mo ng sinehan, hindi ka lang mae-LSS sa “Laho” na original soundtrack nito. Babaguhin din nito ang pananaw mo sa buhay.
Showing ang ‘Sinagtala’ sa mga sinehan nationwide simula April 2, 2025.