Advertisers

Advertisers

HIGIT 1,000 LAS PINEROS NATULUNGAN NG AIVEE BEYOND BORDERS MEDICAL MISSION

0 8

Advertisers

NAGHANDOG ang The Aivee Group sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng libre at dekalidad na serbisyong medikal para sa mahigit 1,000 na Las Pin¨eros mula sa mga barangay sa District 1 at District 2, bilang bahagi sa pagdiriwang ng ika-28 taong anibersaryo na isinagawa sa Aguilar Sports Complex, Barangay Pilar nitong Huwebes, Marso 27.

Ang Aivee Beyond Borders medical mission na pinangungunahan nina Dr. Aivee Aguilar at Dr. Z Teo ay sumesentro sa pagkilala sa naiwang legasiya ni Mayor Vergel “Nene” Aguilar na prayoridad ang pagtulong at pangangalaga sa kapakanan ng mga nangangailangan nating kababayan.

“Ito po ay extra special po sa akin dahil ito ay aking tribute sa naiwang legasiya ng aking ama na si Mayor Vergel “Nene” Aguilar. Si Mayor Nene po ang aking ama ang nagtulak sa akin na mag-medisina at maging isang doctor.At bata pa lang po ako ay nasaksihan ko na ang kanyang serbisyo sa mga tao, sa mga nangangailangan na talagang prayoridad po niya ang kalusugan kaya itinayo niya ang kanyang Green Card Program na maraming natutulungan hanggang ngayon,” sabi ni Dr. Aivee Aguilar.



Binigyang-diin ni Dr. Aivee ang dedikasyon ng kanyang namayapang Ama ng Lungsod upang serbisyuhan at paglingkuran ng may malasakit ang mga Las Pin¨ero gayundin ang magandang kinabukasan ng Las Pin¨as na ipinagpapatuloy ng kanyang ina at ate na sina Mayor Imelda “Mel” Aguilar at Vice Mayor April Aguilar.

Kabilang sa mga tinanggap na benepisyo ng mga taga-Las Pin¨as ang libreng konsultasyon, gamutan, at minor operations sa balat.

Personal na tinutukan nina Mayor Mel Aguilar, Vice Mayor April Aguilar, Konsehal Mark Anthony Santos ang programa kasama ang suporta ng buong Team Aguilar mula sa District 1 Councilors Alelee Aguilar,Atty. Zardi Abellera, Brian Bayog, Robert Cristobal, Marlon Rosales at Macmac Santos. Habang sa District 2 naman sina Councilors Engr. Henry Medina, Luigi Casimiro, Lester Aranda,Tito Martinez, Macky Saito, at Euan Toralballa para sa maayos at organisadong pagbibigay ng alagang pangkalusugan sa mamamayan.

Lalo pang sumaya ang mga Las Pin¨eros sa pagbisita at pagtatanghal sa kasagsagan ng programa ang celebrity guests na sina Maja Salvador kasama ang G Force at Moira bilang pagpapakita ng kanilang matibay na suporta sa inisyatibang ito.

Ang matatag na kolaborasyon sa pagitan ng The Aivee Group at ng Pamahalaang Lungsod ng Las Pin¨as ay sumasalamin sa pangakong Tuloy ang Tapat at Progresibong Serbisyo para sa lahat ng residente. (JOJO SADIWA)