Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, VM Yul umarangkada na sa unang araw ng kampanya

0 27

Advertisers

SINIMULAN nina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang unang araw ng kanilang kampanya nitong Biyernes sa pamamagitan ng pagdinig sa banal na misa.

EXCITED na excited ang mga resisente ng Sampaloc habang nagpa-flash ng HL (Honey Lacuna) sign habang sinasalubong ang Lacuna-Servo tandem sa kanilang house-to-house visit sa nasabing lugar.

Dakong alas-sais ng umaga nang sabay na dumalo sina Lacuna at Servo sa Our Lady of Fatima Church sa Bacood, Sta. Mesa. Sila ay sinamahan ng kani-kanilang mga miyembro ng pamilya.



Mula sa simbahan ay sinimulan na nina Lacuna at Servo ang kampanya sa pamamagitan ng house-to-house sa Sampaloc kung saan sinamahan sila ng kanilang incumbent Congressman Edward Maceda pati ang maybahay nito na si Dr. Giselle Maceda na siyang tumatakbo bilang kahalili ng mister na tapos na ang termino sa June . Kasama rin nila ang mga candidates for Councilor na sina Science Reyes and chairman Bong Marzan, brother of former Manila City Administrator Jay Marzan.

Mainit na sinalubong sina Lacuna at Servo ng mga residente ng ika-apat distrito kung saan sinorpresa ang mga ito ng sigawan, cheers at iba pang paraan ng pagbubunyi na tumitiyak ng kanilang solidong panalo.


HINDI na halos Makita si Mayor Honey Lacuna sa pulutong ng mga residente na dumagsa at sumugod sa kanya upang magpakuha ng litrato sa kanila ni Vice Mayor Yul Servo habang nagsasagawa sila ng house-to-house campaign sa nasabing lugar.

Sina Honey at Yul ay tumatakbo sa ilalim ng Asenso Manileno na sa mahabang panahon hanggang ngayon ay nananatiling dominanteng partido sa Lungsod ng Maynila.

Noong 2022 elections, ang. Asenso ay kinopo ang lahat ng elective positions, magmula mayor, vice mayor, Congressmen hanggang city councilors, kung saan si Lacuna ang namumo sa buong team, dahil ang mayor noon na si Isko Moreno ay nangangampanya na sa mga probinsya bilang presidentiable pero natalo.



Ang Sampaloc ay kilalang balwarte ni Lacuna, na lehitimong residente ng Maynila at hindi na lumipat pa ng tirahan. Matatandaan na nagsimula ang karera ni Lacuna sa pulitika bilang Manila City Councilor na kumakatawan sa ika-apat na distrito mula 2004 hanggang 2013. Matapos nito ay naging social welfare officer sa loob ng ilang taon bago naging ika-27 at kauna-unahang babaeng Vice Mayor ng Maynila.

Matapos magisilbi bilang Vice Mayor sa loob ng dalawang termino mula 2016 hanggang 2022, tumakbo si Lacuna bilang alkalde at nanalo nang may pinakamalaking agwat sa kalaban sa kasaysayan ng eleksyon sa Maynila. Tinalo niya sina Amado Bagatsing at Alex Lopez na kahit pagsamahin pa ang kanilang boto ay lamang pa rin si Lacuna nang mahigit 200K na boto.

Ang tandem nina Lacuna at Servo na tumatakbo sa ilalim ng kanilang “Tapat at Totoo” brand ng pamamahala ay may suporta ng Lima sa anim na Congressmen, majority ng Manila City Council members at ng mga Asenso Manileno stalwarts. (ANDI GARCIA)