Advertisers
Tuwang-tuwa mga tao sa pagdating ni JuneMar Fajardo sa pa-3 point challenge ni Paolo Roxas sa Capiz.
Nasa Finals ng contest ang 8x PBA MVP para ma’inspire ang mga kalahok at magpakita ng suporta kay Paolo na tumatakbong kongresista ng unang distrito ng kanyang probinsya. Anak si Paolo ni Sec Mar at apo ni Sen Gerry. Bale apo sa tuhod ni Pres Manuel Roxas.
Naglaro pa ng exhibition game si The Kraken kaya masayang-masaya ang mga manonood.
Tinanghal na kampeon ng paligsahan si Jude Matthew Buenvenida ng bayan ng Panay.
Nagkataon naman na hindi kasali ang San Miguel sa PBA Championship kaya nakadalo ang sentro ng Beermen at Gilas.
Nakakulay bughaw na jersey sina JuneMar at Paolo pati ang mga kalahok. Azul din ang campaign color ng pamilya noon pa man.
Lubos naman ang pasasalamat kay Fajardo ng matatas sa Ilonggo na batang Roxas Unang susubok ang may Economics degree sa Yale University sa USA na makaupo sa dating puwesto ng kanyang lolo, tito at ama.
Marami nagsasabi na mas malapit sa tao kaysa sa tatay ang 31 uno años na Roxas scion.
***
Ayon kay Alvin Patrimonio ay higit na pisikal ang game noong kapanuhan niya sa pro league.
“No blood, no foul noong 80s at 90s sa PBA,” wika ni The Face sa isang vlog ni Onchie de la Cruz.
Yan din ang kasikatan ng PBA. Una may mahigpit na rivalry ang Crispa at Toyota. Tapos dumating ang mga guwapong player na tulad nina Alvin, Paul Alvarez, Jerry Codiñera at Jojo Lastimosa. Gumawa pa ng mga pelikula at programa sa telebisyon ang mga nabanggit.
Pero naniniwala si Tata Selo na hindi lang ang mas maluwag na pituhan at sa kawalan ng mga artistahing basketbolista ang maaaring tukuyin na mga dahilan ng pagsadsad ng TV ratings at gate receipts.
Sa parating na ika-50 season ay ang laki na ng ibinaba ng popularidad nito.
***
Sa ika-31 ng Marso ay espesyal na bisita natin si Elma Muros sa OKS@DWBL. Ang track and field legend ay inaasahan na magbahagi ng kanyang istoya ng tagumpay sa ating programa na mapapanood din sa YouTube at Facebook Live. .
Ang long jump queen na tubong Romblon ay kasal kay George Posadas at may dalawa silang anak.
Kita-kits sa Lunes mula 4 hanggang 5 ng hapon.
Co-host natin si Lito Cinco sa palatuntunang hatid sa atin ng Biofresh.