Advertisers

Advertisers

Kampanya ni GM Joey Antonio sa Australian Chess Circuit, mawawalang bisa dahil sa problema sa visa

0 8

Advertisers

Si Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. ay nahaharap sa mga isyu sa visa bago ang pag-alis ng Philippine team para sa Australian Chess Circuit sa susunod na buwan.

Umaasa si Antonio na makakuha ng visa matapos tanggihan ng Australian Embassy sa Manila ang kanyang 1st visa application.

“ I just want to represent our country, promote chess and meet our filipino community in Australia. Sydney is very close to my heart. Dito ko na-achieve ang 1st Grandmaster Norm ko. Dalawang beses na akong napunta sa Australia. Hindi ko alam kung bakit ako tinanggihan. Nag-apply ulit ako kahapon. Sana this time ibigay na nila ang visa ko.” ang sabi ng 63 taong gulang na si Antonio noong Martes.



Nakuha ni Antonio ang kanyang unang GM norm sa Sydney noong 1985.

Nasilayan din siya sa Sydney International Open noong 2006.

Si Antonio, ang 13 beses na Philippine Open Champion ay nakikipag-ugnayan sa opisina ni Senator Koko Pimentel, Senator Manny Pacquiao, retired Col. Jaime Osit Santos gayundin sa opisina ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo.

Sa kabila ng opisyal na liham ng imbitasyon ng Australian chess organizer pati na rin ang endorsement letter ng Philippine Sports Commission at ng National Chess Federation of the Philippines, tinanggihan ng Australian Embassy sa Manila ang kanyang unang aplikasyon.

Nakatakdang katawanin ni Antonio ang Pilipinas sa Melbourne International Open Chess Tournament na gaganapin sa Melbourne mula Abril 7-14, 2025, ang 2025 O2C Doeberl Cup Chess Tournament na gaganapin sa Canberra mula Abril 17 – 21 2025, at ang Sydney International Open na gaganapin sa Abril 23-27, 2025 sa Sydney. (Danny Simon)