Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
NAG-acting workshop sa ABS-CBN si Geo Mhanna at sa GMA naman ang pinakauna niyang show, ang my Ilonggo Girl ni Jillian Ward.
Masuwerte si Geo dahil unang serye pa lamang niya ay kasama na siya ng itinuturing na prinsesa ng GMA na si Jillian.
“I feel very, very happy and very intimidated kasi prime actor sila and I feel like I really have to do my very best, kasi I don’t want to be the downfall… I don’t want to be the cause of the downfall of the show,” sinabi ng katorse anyos na si Geo.
Pilipino ang ina ni Geo at Lebanese naman ang kanyang ama.
Kasamang naninirahan ni Geo dito sa Pilipinas ang ina niya; sinawimpalad naman na pumanaw ang ama niya noong kasagsagan ng COVID-19.
Guwapo at matangkad, malaki ang tsansa ni Geo na maging isang matinee idol at handa naman daw siya.
“I am ready,” pakli ng Sparkle newbie, “I’m the most ready that I’ve ever been because one year of workshops, I want to put it to the test.”
Dito siya ipinanganak at nakakapag-Tagalog naman daw siya.
Mahusay raw siyang umiyak.
“Why am I good in crying? Because I have a lot of experience crying.
“In real life.”
May mga pinagdaanan daw siya sa buhay, tulad ng pagkawala ng kanyang ama.
“Very, very hard, I cry everyday.”
Wala raw sa Pilipinas ang ama niya noong pumanaw ito.
“No, he was somewhere in the Middle East po.
“I got to see him po but when I was younger but recently not anymore.”
Naka-move on na raw si Geo pero nandun pa rin ang sakit.
“Opo.”
Sa tanong kung sino ang idolo niyang artista….
“I have to say si Alden but right now, since I look up to the leading man, si Michael Sager.”
Si Michael ang leading man ni Jillian sa My Ilonggo Girl.
Si Alden Richards naman ay nakilala na niya nang personal.
Si Geo ba, nais din niyang magkaroon ng acting award balang-araw?
“Of course,” bulalas ng binatilyong may taas na 5’11.