Advertisers

Advertisers

DRAINAGE SYSTEM NA ‘DEKALIDAD’ ILALAGAY SA PALIGID NG NAIA TERMINALS

0 6

Advertisers

INIHAYAG ng New NAIA Infra Corporation ang paglalagay ng modernong drainage system sa paligid ng NAIA Complex

Ito ay para maiwasan na ang pagbaha sa paligid ng NAIA terminals.

Ayon kay NNIC President Ramon Ang, maglalagay din sila ng flood barriers, at stormwater pumping facility sa NAIA complex.



Sinabi ni Ang na ito ay bahagi ng kanilang long-term investment sa paliparan.

Sa ngayon, patuloy din ang cleanup drive ng NNIC sa tatlong kilometrong river channels kabilang na ang bahagi ng Parañaque River sa Barangay Tambo, gayundin sa Don Galo River, at Villanueva Creek malapit sa Barangay La Huerta.

Umaabot na sa 139,158 metric tons ng mga basura ang nakolekta ng NNIC sa paligid ng NAIA terminals. (JOJO SADIWA)