Advertisers
Timbog ang isang criminology student at kasabwat nito na itinuturing na high value individuals sa ikinasang buy-bust operation ng Caloocan City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa Caloocan City, Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na si alias “Marcelo”, 51, ng Bagong Barrio, at isang 19-anyos na si alias “John”, first year criminology student.
Sa ulat kay Caloocan police chief PCol. Edcille Canals, 9:52 ng gabi nang masakote ang mga suspek sa kahabaan ng Lucia Street, Barangay 71.
Nakumpiska sa mga suspek ang plastic sachets na may 205 grams ng shabu, na may street value na P1,394,000.00
Ayon sa pulisya, dati nang naaresto si Marcelo sa paglabag RA 1602, o illegal gambling, samantalang dati nang nasangkot si John sa iligal na droga noong isang taon at nakalaya lamang sa kustodiya ng pulisya noong March 2024.
Aminado ang dalawang suspek na gumagamit ng iligal na droga at responsable umano sa pagbebenta sa Bagong Barrio, Quezon City, at Manila.
Nahaharap ang dalawang suspek sa Republic Act No. 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Beth Samson)