Advertisers

Advertisers

“Cong. Arjo, may sense!”–Ex-Sen. Ping Lacson

0 14

Advertisers

Ni BLESSIE CIRERA

HINDI napigilang maging emosyunal at maiyak si Quezon City 1st District Congressman Juan Carlos ‘Arjo’ Atayde sa kanyang makabuluhang State of the District Address (SODA) nitong nakalipas na Lunes ng hapon sa SM North Skydome dahil nasaksihan niya ang pagmamahal ng mga nasasakupan niya bukod pa sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Inilahad niya lahat ang mga nagawa niya sa Kongreso na pawang para sa kapakinabangan ng mga taga-Distrito Uno.



‘Ika nga ni Cong. Arjo, “Sa bawat pisong inilalaan ng gobyerno para sa ating distrito, sinisigurado nating walang nasasayang–lahat ay napupunta sa programang direktang makatutulong sa inyo ”

At sa pamamagitan ng kanyang programang Aksyon Agad, mula noong 2022 ay may 400,000 residente na ang nagbenipisyo sa kanyang distrito sa QC.

“Sa ilalim ng Aksyon Agad, naisakatuparan natin ang mga programang may direktang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga mamamayan,” pahayag pa ni Cong. Arjo

Ang bawat taong natulungan at pamilyang naiangat ang sentro ng Aksyon Agad.

Idinetalye rin ng kongresista ang mga nagawa ng kanyang tanggapan sa employment, education, health, youth development, disaster response at infrastructure.



Sa kanyang panghuling pananalita, sinabi pa ni Cong.Arjo, “Wala po ako rito kung hindi dahil sa inyong tiwala–isang tiwalang hindi ko kailanman ipagwawalang-bahala. Sa bawat araw na lumilipas, patuloy kong pinagsisikapan na patunayan na karapat-dapat ako sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin…Maraming, maraming salamat, Distrito Uno! Thank you for believing in me; I wont let you down.”

Talagang tama nga ang tinuran ni dating Sen. Ping Lacson, “Sa lahat ng mga kabataang artista, isa si Arjo sa may sense!”