Advertisers
MAHIGPIT na nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga tumatakbo na mahigpit nilang babantayan ang paggastos sa pangangampanya.
Pahayag ito ng ahensya kasabay ng pagsisimula ng campaign period sa local candidates nitong Biyernes.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, P3 lamang ang pwedeng gastusin ng mga kandidato sa bawat botante.
Yan ay para sa mga miyembro ng isang partido politikal.
Habang P5 naman bawat botante ang pinapayagan sa mga independent candidate.
Mula nitong Biyernes ay babantayan na rin ng poll body ang mga political ads ng mga kandidato na ieere sa telebisyon at radyo at ang mga ilalabas sa diyaryo at social media.
Ayon pa kay Garcia na kailangang magtugma ang kanilang gagastusin at matatanggap na donasyon sa ilalagay sa Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).