Advertisers

Advertisers

Archie kinasuhan na ng korte sa reklamong acts of lasciviousness ni Rita

0 14

Advertisers

Ni Archie Liao

KINASUHAN na ng Office of the City Prosecutor ng Bacoor City ang aktor na si Archie Alemania ng kasong acts of lasciviousness pagkatapos ng reklamong isinampa ng Kapuso actress na si Rita Daniela noong Oktubre, 2024.

Ayon sa prosecutor’s office, nakakuha sila ng “prima facie evidence “ o matibay na ebidensiya para sa conviction ni Arthur V. Alemania Jr. a.k.a Archibald Nicholas Alemania a.k.a Archie Alemania para sa kasong “Acts of Lasciviousness.”



Inirekomenda rin ng prosekyusyon na maparusahan ang aktor sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code.

Sa kanyang complaint-affidavit, iginiit ni Daniela sa kanyang reklamo na hinalikan siya at hinipuan ni Archie sa maselang bahagi ng kanyang katawan nang wala niyang pahintulot.

Dagdag pa niya, may mga di nararapat na sinabi rin daw ito sa kanyang ikinainsulto ng kanyang pagkababae.

“In this case, complainant was able to show how respondent touched forcibly kissed her and groped her breast and mashed it maliciously while they were inside respondent’s vehicle, which showed lewd signs on his part,” ayon sa resolusyon.

Matatandaang inilahad noon ni Daniela na nangyari ang nasabing insidente pagkatapos nilang dumalo ng Thanksgiving party noong Setyembre ng nakaraang taon.



Sa party pa lang daw mismo ay may mga mahahalay nang mga salitang binitiwan ang aktor sa kanya.

Hindi naman niya ikinaila na noong pauwi na siya after the event ay nag-offer ang aktor na ihatid na siya sa kanyang bahay na kanya namang pinaunlakan.

Sa kotse, doon na raw naganap ang paghalik at panghihipo sa kanya ni Alemania na labag sa kanyang kagustuhan.

Naiyak daw siya, nagpumiglas at ginamit ang kanyang lakas para makalabas ng kotse ng aktor.

Sa akusasyon naman ni Daniela, nagsumite ng counter-affidavit si Alemania noong Disyembre bilang tugon sa complaint ni Daniela.

Sa counter-affidavit nito, itinanggi nito ang mga alegasyon sa kanya ni Daniela.

Bukas naman ang pitak na ito sa panig ni Alemania hinggil sa resolusyon ng korte.

***

Pelikula ng KimPau, nakatanggap ng PG; Iba pa, tiniyak ng MTRCB na may angkop na klasipikasyon

BINIGYAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) rating ang unang pelikulang pinagbibidahan ng KimPau love team (Kim Chiu at Paulo Avelino) na “My Love Will Make You Disappear.”

Mula sa Star Cinema, ang pelikula ay umiikot sa isang babae na umibig sa may-ari ng bahay na kanyang inuupahan.

Ang film concert na “Imagine Dragons: Live From Hollywood Bowl (With The La Film Orchestra)” at “The Unbreakable Boy,” ay parehong rated PG din.

Payo ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio: “Sa PG rating, dapat alam ng mga magulang ang ibig sabihin ng mga salita para sa kapakanan ng mga batang manonood.”

Samantala, dahil sa mga alien at nakakatakot na eksena, ang American-Thai supernatural “Home Sweet Home: Rebirth,” ay rated R-13. Ibig sabihin, angkop lamang ito sa edad 13 at pataas.

Ang horror-thriller na “Shadow of God,” ay R-16, para sa mga edad 16 at pataas dahil sa mga eksena, lenggwahe, at pagsanib ng demonyo na hindi angkop sa mga batang edad 16 at pababa.

Tiniyak ng Board na ang mga pelikulang ipapalabas ngayong linggo ay nabigyan ng angkop na klasipikasyon na akma at swak para sa iba’t ibang edad.