Advertisers
Nagpahayag ng matinding pasasalamat si Senator Christopher “Bong” Go sa lahat ng Pilipino kasunod ng pinakabagong Stratbase-commissioned SWS survey na nagpapakita ng pangunguna niya sa puwesto sa hanay ng mga tatakhong senador sa 2025 elections.
Nagrehistro si Senator Go ng 42% voters preference sa survey noong Marso 15 hanggang 20, 2025—isang pataas na trajectory mula sa mga nakaraang survey ng Social Weather Stations (SWS), patunay ng pagiging epektibo ng kanyang pagseserbisyo sa taumbayan.
Pumangalawa siya sa survey noong Pebrero 15 hanggang 19 na may 38%, mula sa pangatlo hanggang ikaapat noong Enero (37%) at 32% noong Disyembre 2024.
“Muli po akong nagpapasalamat nang taos-puso sa inyo mga kababayan ko sa patuloy na tiwala sa aking ginagawang paglingkuran ang ating bayan,” sabi ni Go.
Muli niyang ipinangako na ipagpapatuloy ang kanyang trademark na may sipag at malasakit na serbisyo-publiko na humubog sa kanyang etika sa pagtatrabaho mula pa sa simula ng kanyang termino.
“Sipag, malasakit, at more serbisyo po ang maiaalay ko sa Pilipino. Hindi ko po sasayangin ang inyong tiwala at wala po akong sasayanging oras. Unang araw pa lang ng termino ko ay serbisyo sa Pilipino na po ang aking ginagawa.”
Sinabi ni Go na ang kanyang agenda sa lehislatura at serbisyo-publiko ay mananatiling nakabatay sa pang-araw-araw na pakikibaka ng mga ordinaryong Pilipino—lalo na ng mahihirap at may sakit.
“Asahan po ninyo na mangunguna din sa aking puso’t isipan ang pagbibigay ng serbisyong tunay na may malasakit. Patuloy kong isusulong ang mga pro-poor na mga batas at programa para ilapit ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan lalo na sa mga mahihirap na pasyente.”
Matatandaang pinasimulan ni Go noong 2018 at kalaunan ay na-institutionalize sa pamamagitan ng pangunahing pag-akda at pag-sponsor ang Republic Act No. 11463. Dinisenyo upang alisin ang mga burukratikong hadlang, ang mga one-stop shop center na ito ay nagpabilis sa pag-access ng tulong medikal mula sa gobyerno.
Sa ngayon, 167 Malasakit Centers ang tumatakbo sa buong bansa at nakatulong na sa mahigit 17 milyong Pilipino sa kanilang mga gastusin sa ospital.
Bilang chairperson ng Senate committee on health, nangako si Senator Go na mahigpit niyang na babantayan ang pagtiyak na ang batas ng Malasakit Centers ay patuloy na mabisang maipatutupad at makaaabot sa maraming Pilipino.
Ang mataas na numero ni GO sa SWS ay nagpapahiwatig ng kanyang matibay na momentum sa iba pang major polling firms.
Sa survey ng Pulse Asia noong Pebrero 20 hanggang 26, umakyat din si Go sa unang pwesto na may 58.1% voters preference.
Sa survey naman ng Tugon ng Masa-OCTA Research, na isinagawa mula Pebrero 22 hanggang 28, siya ay rank no. 2 sa pangkalahatan sa nakuhang 62% rating.