Advertisers

Advertisers

Makasariling pulitika ni Imee

0 6,790

Advertisers

SA mundo ng pulitika, may mga lider na naninindigan sa prinsipyo, at may mga kagaya ni Senator Imee Marcos na sarili lang ang inuuna. Mismo!

Ang sabi nga, makasarili ang pangalang “Imee” dahil ito ay tungkol lang sa “I and me”. Hahaha…

Sa panahong mababa si Imee sa pre-election surveys, bigla siyang nagiging “makabayan”. Pero hindi ito tungkol sa bayan at para lang ito sa kanyang pansariling interes. Kanya kanyang gimik lang talaga. Hahaha…



Pilit niyang sinasakyan ngayon ang sentimyento ng mga tagasuporta ni dating Pangulo Rodrigo Duterte laban sa International Criminal Court (ICC) dahil umaasa siyang makakukuha ng simpatya mula sa kanila. Mismo!

Ngunit kung tunay ang kanyang paninindigan, bakit ngayon lang? Bakit hindi noon pa, kung talagang ito ang kanyang paniniwala? Ang sagot ay klaro: Dahil pang-16 siya sa latest survey. Araguy!!!

Ang ginagawa ni Imee ay survey-driven politics.

Sa numero ng survey niya ibinabase ang direksyon ng kanyang kampanya at hindi sa pagsusulong ng mga plataporma na kailangan ng mga Pilipino.

Sa layuning umangat sa survey, tinalikuran niya maging ang sariling pamilya. Kanyang iniwan si Pangulong Bongbong Marcos at binatikos nang todo-todo ang administrasyong bahagi rin siya. Lahat ito, para lang sa kanyang political ambition.



Kung nagawa niyang talikuran ang sariling kapatid, paano pa kaya ang iba? Ano ang makapipigil sa kanya na hindi niya ito gagawin sa mga Duterte sa oras na hindi na sila kapaki-pakinabang?

Walang permanenteng kaalyado si Imee. Wala siyang matibay na paninindigan. Ang tanging importante sa kanya ay kung paano mananatili sa kapangyarihan.

Hindi siya pro-Marcos. Hindi siya pro-Duterte. Siya ay pro-Imee lang. Peks man!

At ang ganitong klaseng pulitiko ang pinakadelikado sa lahat dahil handa nitong ilaglag ang kahit sino at isakripisyo ang kahit ano, para lamang manalo.

Say n’yo, mga pare’t mare?