Advertisers
NAGING kontrobersyal ang pangalan ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Police Major General Nicolas Torre III sa larangan ng pulitika at maging sa law enforcement sa Pilipinas.
Magkahalong papuri at batikos mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ng magiting na heneral bilang pinuno ng operasyon sa pag-aresto sa dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.
Ang ginampanang papel ni MGen. Torre III ay hindi madaling desisyon, sapagkat ang utos na arestuhin si Duterte ay nagmula sa pandaigdigan hukuman o International Criminal Court (ICC) na siyang lumilitis sa mga high profile cases na kalimitang sangkot ay mga lider ng estado.
Ang kaso laban sa dating Pangulo ay may kaugnayan sa “mass killing” sa malawakang “War on Drugs” gamit ang mga “bulag na tagasunod” na nagdulot ng matinding takot at pagkakawatak-watak ng mas nakararaming mga mamamayan ng bansa.
Ang kampanya ni Duterte ay sinuportahan ng kanyang mga kapanalig at mariing kinondena naman ng higit na nakararami sa loob at labas ng bansa, kaya’t ang mga hakbang na ginawa ni MGen. Torre III ay hinusgahan at sinuri ng mga mamamayan batay sa kani-kanilang pananaw at interes.
Sa kabila ng ingay at tensyon ay isang bagay ang malinaw na tungkulin ni Torre na ipatupad ang arrest warrant ng ICC. Nang dumating si Duterte mula sa Hongkong ay siniguro ni MGen. Torre III na walang puwang ang kalituhan at panggugulo upang maipatupad ang batas.
Hindi naging madali ang pag-aresto kay Duterte dahil sa aspetong pulitikal at suporta ng ilang bulag na tagasunod ng dating Pangulo, ngunit ang pagsubok na ito ay nalagpasan ni MGen. Torre III.
Ngunit hindi pa rin maiiwasan ang mga tanong ukol sa katapatan ni MGen. Torre III at sa tunay na motibo nito para arestuhin si Digong? Sa pananaw ng mga kritiko, si MGen. Torre III ay naging instrument ng makapangyarihang tao na ang layunin ay pabagsakin ang dating Pangulo.
Ngunit sa higit na nakararami, si MGen. Torre III ay isang matapat at matapang na tagapagpatupad ng batas na hindi natakot sa anumang banta at pagsubok. Hindi maikakaila na ang tamang desisyon ni MGen. Torre III ay nagkaroon ng malalim na epekto hindi lamang sa kanyang police career kundi pati na sa kalagayan ng bansa.
Ang kwento ng panunungkulan ni MGen. Torre III bilang opisyal ng kapulisan ay nagsisilbing testamento ng pananagutan ng isang tagapagpatupad ng batas.
Katiyakang ang pangalan ni MGen. Torre III ay magmamarka sa kasaysayan bilang isang opisyal ng PNP na hindi natakot tumindig at sundin ang itinadhana ng batas na tanging panahon ang magpapasya kung paano siya huhusgahan ng kasaysayan.
Gayunpaman, isang bagay lamang ang natitiyak- ginampanan ni MGen. Torre III ang kanyang tungkulin bilang isang alagad ng batas sa isang bansa at lipunan na may pagpapahalaga sa batas at katarungan.
SULAT NI JUAN KAY MGEN. TORRE III
NAIS ko pong ipaabot sa kaalaman ni MGen. Nicolas Torre III na nagagamit ang kanyang pangalan sa kailegalan sa Batangas City ng isang alyas Mar Villanueva at Dodong Pagsanjan.
Ang dalawang nabanggit na pangalan ay magkasosyong operator ng paihi/buriki na nagkukuta sa tapat ng Toyota Parking area, sakop ng Brgy. Banaba South sa hurisdiksyon ni Batangas City Police Chief LtCol. Ira Morillo.
24/7 po na nagnanakaw ng petroleum product at Liquified Petroleum Gas (LPG) ang mga drug addict at armado ng baril na mga tauhan nina alyas Mar Villanueva at Dodong Pagsanjan sa kuta na kahilera ng gasoline Station malapit sa Integrated School.
Kaya marahil hindi po pinahuhuli ang mga ilegalistang ito nina Batangas PNP Provincial Director Col. Jacinto Malinao Jr. at ng inyong Provincial Officer LtCol. Jake Barila ay sapagkat laging bukambibig nina Mar Villanueva at Dodong Pagsanjan na magsusumbong sila kay MGen. Torre III kapag ginambala ang kanilang ilegal at perwisyong operasyon.
Ayon sa mensahe ng ating tagasubaybay na si JUAN ay katakot-takot na ang dami ng reklamong ipinarating sa mga kinauukulan maging sa barangay opisyales ng Banana South laban sa naturang paihian/burikian, ngunit duda ang mga residente na kasaIi sa payola nina alyas Mar Villanueva at Dodong Pagsanjan ang ilang mga barangay opisyales doon. Para sa komento: Cp.No. 0966 406 61