Advertisers

Advertisers

Automation Election Law pinatitigil sa SC

0 14

Advertisers

Pinatitigil sa Korte Suprema nina social media broadcaster at anti fake news advocates Atty. Mark Kristopher Tolentino at Dr. Michael Raymond Aragon ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) ang ilang probisyon sa Automated Election Law bunsod ng umano’y hindi patas sa ilang kandidato.

Nabatid na naghain ng petition nitong Miyerkules sa SC sina Tolentino at Aragon na kumukuwesiyon sa constitutionality ng Section 11 ng Republic Act 8346 na inamyendahan ng Section 13 ng Republic Act 9369.

Isinampa ang kaso laban sa Commission on Elections, Executive Secretary Lucas Bersamin, Senate President Francis Escudero at Speaker Martin Romualdez.



Hinihiling sa SC ng mga petitioner na mag-isyu ng Temporary Restraining Order at writ of prohibition upang ipatigil ang probisyon na labag sa Kontitusiyon at hindi patas sa mga ilang mga kandidato.

Isa sa mga tinukoy ng petitioner ang pre mature campaign ng mga mayayamang kandidato laban sa maliliit na kandidato na maikokonsidera lamang kandidato sa pagsisimula ng kampanya.

Tinawag na “unfair’ ng mga petitioner ang probisyon dahil mas nakapagpapakilala ng mas maaga ang mga mayayamang kandidato kumpara sa mga maliliit na kandidato. Hindi naman mapaparusahan ang mga nagsasagawan pre-mature campaign.

Wala ring aksiyon ang Comelec sa maling paggamit ng public funds sa election preparations na walang transparency and fairness.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">