Advertisers

Advertisers

ANO AMERIKA KAYA PA BA?

0 20

Advertisers

LUMIHIS muna tayo sa nakakangawit na balitang pampulitika at intriga. Nagagalak ang abang peryodistang ito sa pagkapanalo ng isang kaliweteng dalaga na si Alexandra Maniego Eala. Si Alex ay ngayon matapos talunin ang ganador ng Ukraine si Elinia Svitolina makaraan ang masalimuot na unang set sa score na 7-6 6-3.

Bilang dating naglalaro ng tennis naantabayanan ko ang progreso ni Alex, at alam ko hindi biro ang dinanas niya. Ngayon haharap siya kay Iga Swiatek sa quarterfinals ng Miami Open. Narapat na magsaya tayo kasama si Alex dahil mahalaga ang ipagdiwang natin ang kababayan natin. Pambihira ang pagkakataon na magwagi ang isang kababayan sa Miami Open; sa palagay ko mas may saysay ito kaysa pag aksayahan ng panahon ang showbiz tsismis at mga trapo.

Bilang panuldok, binabati ka namin Alex Eala. Isa kang halimbawa ng tagumpay para sa Pilipinas. Good luck Alex, the entire nation is rooting for you.



***

BUMAHAG ang buntot ng mga dds vloggers matapos silang humarap nagdaan na Tricom hearing sa Kamara de Representante. Mistulang mga maamong tupa; napagak ang dating maiingay na tinig at napungos ang matatalas nilang mga sungay. Mabuti rin na nabibisto na sila.

Ang mga humarap na dds vloggers ay mga ipis na nasilaw, nalentehan na. Wala silang magawa kundi kumaripas ng takbo papunta sa kanilang madilim at mabahong kinaroroonan. Mistula silang maitim at mababahong mga ipis, na nararapat lamang tapakan at durugin. Opo aaminin ko, kasintulad ng pagkamuhi ko sa ipis, ganoon din ang magkamuhi at pankadiri ko sa mga dds vlogger. Wala akong kahabag-habag sa kanila, at natutuwa ako nabuking na sila.

Opo mga giliw kong tagabasa, ang kanilang baho ay hindi dapat itaguyod. Dahil ang mga dds vlogger ay nagkakalat ng ketong, na ikasasama nating lahat. Nakita ko ang pagiging maamo nila sa harap ng pag-uusig ng Kamara. Hindi ko sila kaaawaan. Kasapakat nila ng kapwa nilang demonyo na nararapat ipatampay sa impiyerno!

Patawarin ako, sa kabila ng behilya, hindi ko magawa ang magmahabag sa kanila. Nagbunga ito sa pagkamuhi sa kanila. Nawa’y pagkalooban ako ni Poong Kabunian ng awa, subalit hindi ko magawang kaawaan sila. Hindi ko kaya.



***

SA inyong lingkod, mahalaga ang pangangalaga ng lihim sa maraming bagay. Labis ang pagkagulantang ng inyong lingkod nang isiwalat ang pagkalat ng ilang tauhan ng tinaguriang “inner circle” ng pangulo ng Estados Unidos. Sila ang nagsiwalatpng mga mahahalagang skreto na nauugnay sa seguridad ng naturang bansa.

Nadawit dito ang bise-predidente, pinuno ng CIA, ng National Security Council, at National Intelligence. Nagkaroon sila ng isang “group chat” o “private chat group. Maaari pong lehitimo ito, lalo na kung may mga hakbang na magpapaigting sa pambansang seguridad. Ngunit nagtatag sila ng chat group at isinama dito ang editor-in-chief ng pahayagang The Atlantic!

Gamit ang isang social media chat group na Signal, isinama sa chat group si Jeffrey Goldberg ng The Guardian, na nagulantang matapos makatanggap ng text mula sa chat group na may laman na info tungkol sa isasagawang operation laban sa mga Houthi sa Yemen! Dahil responsableng mamamahayag si Goldberg, minabuti niyang makaseguro ang ikinalap niyang impormasyon upang iwasan malagay ito sa maling mga kamay.

Sa maikli, dahil sa pinagsamang kayabangan at katangahan, sumambulat sa kanilang mga mukha ang kapalpakan. Sa huli, dawit dito ang pangalawang pangulo JD Vance, ang CIA Director , Secretary of Defense, Secretary of State, Director of National Defense, Secretary of State, pati ang White House National Security Adviser! Lahat sila ay lumahok sa Signal chat app kung saan binahagi sa kanila ang detalyadong plano para bombahin ang mga Houthi sa Yemen!

Napaka iresponsable ng mga gumawa, pati si Pete Hegseth na nagawang magsinungaling at sisihin si Goldberg! Sa palagay ng peryodistang ito malaking kapalpakan ang ginawa ng mga sangkot dito, kaya nararapat managot sila at pagbayaran dahil sa ginawan nilang kataksilan. Ang national security ay hindi biro.

Maraming tao ang namatay para ipagtanggol ang Estados Unidos nakakagalit na maaari nilang gawin ang kapabayaang ito. Ngayon nababalot ang bansa nila sa bingit ng alanganin. Mispong si Donald J. Trump ang dapat managot. Ito na marahil ang pinakamatinding krisis na hinaharap sa administrasyon niya.

Mahirap makabawi si Mr. T dito. Pero ang tawag nga sa kanya ay “the teflonDon”. Ano Amerika kaya pa ba?

***

mackoyv@gmail.com