Advertisers
NASAWI ang isang punong barangay at ABC president nang barilin sa harap ng kanyang misis noong Martes sa Polanco, Zamboanga del Norte, Marso 25, 2025.
Kinilala ang biktima na si Punong Barangay (PB) Leopoldo Paler Atad, 52 anyos, ng Barangay Macleodes, Polanco.
Sa report ng Polanco Municipal Police Station, 8:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa harap ng tindahan ng biktima.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang tindahan kasama ang misis nang dumating ang mga salarin na nakasuot ng kulay itim na jacket at helmet sakay ng motorsiklo.
Isa sa mga ito ang bumaba at walang babalang pinagbabaril ang biktima sa ulo at iba pang parte ng katawan,sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon.
Tinangka pang dalhin ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan, ngunit binawian ng buhay ito dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan.