Advertisers
Nasunog ang hindi bababa sa 30 bahay, na nag-iwan ng higit 50 pamilyang apektado sa North Caloocan nitong Miyerkules ng umaga.
Sa report, inilikas ang mga estudyante ng Bagong Silang High School nang magsimula ang sunog sa kalapit na lugar.
Nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula ngunit nakontrol ito makalipas ang isang oras.
Ayon sa ulat, limang residente ang nasugatan.
At pinaghihinalaang electrical ang sanhi ng sunog.
Pansamantalang nasa evacuation center ang mga biktima.(Beth Samson)