Advertisers

Advertisers

45 days to go, ibabalik na ni Isko ang sigla at liwanag ng Maynila

0 21

Advertisers

SIMULA ngayong araw na ito ang umpisa ng kampanya para sa Lokal na halalan kaya rambulan at balimbingang politika na naman, handa na ba kayo?

Sa Maynila, tiyak na ang inaasahang pagbabalik ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nangakong ibabalik ang maaliwalas na buhay, ang sigla, at totoong dignidad at kapanatagan sa bawat bahay ng Manilenyo.

Ngayong araw na ito ay muling makikita si Yorme Isko sa gedli ng inyong mga barangay, kalye at iskinita, handa na ba kayo Manilenyo sa laban ni Isko?



Kaya mga Batang Maynila, wag na tayo sa puro salita, dun tayo sa mas masipag sa gawa.

Wag tayo sa maingay lamang, wag tayo sa pabida lamang at mayabang, pero walang pruweba.

Performance, achievements, ‘yan ang batayan sa pagpili, ‘yan ang sukatan ng kaalaman, kakayahan, talino at kilos na may kasamang pagmamahal.

Kay Yorme Isko Moreno lang tayo sa Mayo 12.
***
Usap-usapan na nga sa bawat sulok ng Cityhall, wala na — tapos na ang eleksiyon sa Maynila, at kahit ano pang propaganda, pabida o pagbibigay ng ayuda, mga pangakong itataas ang social pension ng mga seniors, solo parents at PWDs at kahit pa lumuhod sa Katedral ang mga katunggali ni Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, naitadhana ang dramatikong pagbabalik niya bilang alkalde ng siyudad.

Sa mga survey, iisa ang sinasabi: runaway winner si Yorme, at hindi lang sa Maynila, kungdi maging sa ibang LGUs, pati ang traditional at social media.



Marami kasing kamangha-manghang ginawa ang dating basurero-kargador, artista-matinee idol upang maiahon ang sarili sa kadukhaan, at noong siya ang alkalde noong 2019-2022 ay naibalik ni Isko ang dating sigla, kasayahan at dangal ng Maynila!

Ang mga nagawa ni Yorme Isko sa panahon ng pandemyang COVID ay imbes na pumilay sa trabaho, hanapbuhay at kabuhayan ng Manilenyo ay nasolusyonan niya.

Ang daming inistak na mga gamot, bakuna laban sa pandemya, mabilis na aksiyon na itaas ang kalidad at serbisyo sa mga ospital, at napatunayan ni Isko ang malasakit sa kapwa Pinoy.

Kung ang ibang LGU ay di alam kung paano isasalba ang kabuhayan, nakita sa Maynila ang todong infra projects: mura at modernong bahay sa mahihirap; serbisyong medikal, gamot at kalinga kahit hindi residente ng lungsod.

Oportunidad sa trabaho, ibinigay ng aksiyong mabilis, at sa isang old video, malinaw na sinabi ni Honey Lacuna noong siya ang bise-alkalde ni Yorme na lagi ay may bagong proyekto, programa at solusyon si Isko sa mga problema ng siyudad.

Sa pahayagan brodkast sa radio at television, lalo na sa social media, sinasabi na ang ginawa ni Yorne Isko ay naging modelo at huwaran ng ibang lokalidad sa bansa.

Sabi nga, kung nasaan ang Maynila, nakasunod ang ibang LGUs, at gawa ito ng maagap at maliksing kilos ni Isko.

Kaya yung sinasabi na “manipulated” daw ang survey na nagtatakdang sure winner si Yorme Isko, pinasisinungalingan ito ng aksiyon sa Cityhall.

Katunayan ang mga sa survey kalye, ang sigaw ng pagbabalik ni Isko ay alingawngaw ng pulso ng taumbayan.

Maski ang supporter ni incumbent Mayor Honey Lacuna ay nakadarama ng lungkot sa nakaiiyak na pulso ng mga botante.

Sa SWS, Pulse Asia, sa Octa Researce, atbp mas prefer nila si Yorme, at pag tinatanong, bakit si Isko ang gusto nila, ano ang maririnig na sagot.

Parang wala raw gobyerno sa Maynila na ang problema sa basura ay hindi maiayos.

Amoy ihi, ebak ang Liwasan; magulo ang trapik, at ang krimen, tumataas, at ang kabuhayan, infra projects na ipinangakong itutuloy, walang maililista na gaanong nagawa ang kasalukuyang gobyerno ni Lacuna.

Overwhelming, umaapaw ang sigla ng sagot ng mga botante — si Yorme ang iboboto nila.

Kinasasabikan ng Manilenyo na maibalik ng masigla, ang kasigasig at dinamikong sigla at kisig ng lideratong natikman nila noong si Isko ang alkalde ng Maynila.

Saka, ang istorya ni Yorme Isko ay kunektado sa puso at puso ng maraming kapos sa buhay, at ang buhay ng tagumpay niya ay isang inspirasyon ng maraming kabataan na makita ang sarili — na kahit paano, sila ay maging katulad ni Isko.

Mula sa dusa ng kahirapan, nakamit ang alwan sa pamumuhay bunga ng tiyaga, pagsisikap at pagtitiwala sa sarili, at ang pananalig sa magagawa ng Amang Diyos.

Ayaw na ng mga Manilenyo sa kasalukuyang pamunuab, dismayado, inis at galit ang Manilenyo.

Bakit marumi ang lungsod, bakit walang bagong proyekto at programa, bakit wala ang ipinangakong mahusay na liderato na ipinangakong susundan ang mga yapak ni Isko.

Ang gobyerno para maysakit at walang vision at aksiyon, sino ang hindi mabubuwisit, tapos naiisip ng Manilenyo, bakit hindi ibalik ang bilis kilos na gobyerno ni Yorme Isko?
***
Ilang tulog na lang, at nakasulat na balota: babalik si Isko, at muling sisigla, muling maibabalik ang glorya ng Maynila.

Sabi nga ni Yorme Isko, nagawa na niya ang maibalik ang dangal ng Maynila, “Magagawa uli natin, at mas maganda pa!”

Lalo na at kaysisigla ng Yorme’s Choice at kapartner ni Isko sa pagbabalik ng dangal ng Maynila ay ang vice mayor niyang si Chi Atienza.

Aariba na uli ang Maynila, asahan na ito, tiyak na mangyayari, magaganap, konting tiis na lamang, konting paghihintay na lamang, to be exact 45 days, babalik na si Yorme Isko!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.