Advertisers

Advertisers

SP Escudero ibinasura ang mosyon ng Kamara para maglabas ng summon kay VP Sara

0 16

Advertisers

HINDI pinagbigyan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang mosyon ng prosecution team ng House of Representatives na maglabas ng summon laban kay Vice President Sara Duterte para sagutin ang mga articles of impeachment na inihain laban sa kanya sa gitna ng session break.

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, nanindigan si Escudero na dapat gawin ang naturang pamamaraan kapag nagpulong na ang impeachment court at naitala na sa plenaryo ang articles of impeachment.

“It cannot legally be done. Hindi po siya pupwede dahil walang sesyon ang Senado,” wika ni Escudero.



“Na present na ba nila ‘yung articles of impeachment on plenary? Na-convene na ba yung court? Eh hindi pa naman eh. Edi hindi pa rin pwede yung ganon,” diin ng Senate chief.

Ipinunto niya na kahit sa mosyon na inihain ng House prosecutors, nakasaad sa panuntunan ng summon ay matapos ang presentasyon ng artikulo at sa oras na magpulong na ang korte.

Bagama’t aniya ay karapatan nilang maghain ng naturang mosyon, sinabi ni Escudero na hindi siya kumbinsido na aksyunan ito maliban kung nasa sesyon ang Kongreso.

“Kahit naman makumbinsi mo ako, illegal pa rin yun e so hindi ko gagawin. I will not do anything that is illegal. Unless a special session is called which I doubt,” diin ni Escudero.

“Kung gusto nila makipag-debate, huling payo na lamang siguro. Natutunan ko bata pa lamang ako sa kapapamadali, minsan lalong nagtatagal… I would rather be more prudent and more closely faithful with what the law provides than go through these experimental procedures that they would want us to do at this point in time,” hirit ng pangulo ng Senado. (Mylene Alfonso)