Advertisers
Sa labis na kasiyahang nadarama nang masaksihan ang loob ng SKYDOME, SM NORTH na puno ng mga taong nagsidalo para saksihan ang STATE OF THE DISTRICT ADDRESS (SODA) ni QUEZON CITY DISTRICT 1 REPRESENTATIVE JUAN CARLOS “ARJO” ATAYDE ay makailang ulit na humugot ito ng malalim na paghinga kasunod ang pagbuga ng hangin sa bibig senyales sa pagkontrola ng emosyong huwag maluha sa harap ng entablado habang siya’y nagtatalumpati.
March 24 araw ng Lunes nitong nakaraang araw ang naging SODA ni REP. ATAYDE ay naging panauhin nito ang Isa sa matalik niyang kaibigan na si ANTI-CRIME AND TERRORISM COMMUNITY INVOLVEMENT AND SUPPORT (ACT-CIS) PARTYLIST REP. at DEPUTY MAJORITY LEADER HOUSE OF REPRESENTATIVE mula noong 2023 CONG. ERWIN TULFO.., siyempre pa naroon si QC MAYOR JOY BELMONTE; VICE-MAYOR GIAN SOTTO; COUNCILORS at iba’t ibang CIVIC ORGANIZATIONS na bumubuo sa DISTRICT 1 COMMUNITY.
Etong si REP. ATAYDE ay hindi lamang mahusay na ARTISTA sa MOVIE INDUSTRY kinikilala kundi maging sa pagiging POLITICIAN nito ay marami ang kaniyang napagtuunan sa larangan ng pagbuo nang mga kapaki-pakinabang na papanday sa mga legalidad para sa katiwasayan ng sambayanan.
Ang mga napagbuhusan nito ng kaniyang talinong taglay ay mayroon na siyang 46 na naging mga batas o Republic Acts; may 65 na Co-Author siya sa House Bills; may 78 House Resolutions at mayroon siyang nagawa na 174 House Bills na siya ang Principal Author.., na ang ilan sa mga naging panukalang batas nito na inaprubahan na ng HOUSE OF REPRESENTATIVES ay ang EXPANDED VAWC ACT; ADOLESCENT PREGNANCY PREVENTION ACT; MAGNA CARTA OF BARANGAY HEALTH WORKERS; at MAGNA CARTA OF OUT-OF- SCHOOL YOUTH.
Sa pagseserbisyo naman nito sa kanilang mga constituent ay mahigit 400,000 na mga residente ang nagbenepisyo mula sa kaniyang programang AKSIYON AGAD simula noong siya ay nanungkulan ng taong 2022.
“Sa ilalim ng Aksyon Agad, naisakatuparan natin ang mga programang may direktang epekto sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga mamamayan,” pahayag ni REP. ATAYDE na ang mga inisyatibong ito ay nakapagbahagi ng EMPLOYMENT, EDUCATION, HEALTH, YOUTH DEVELOPMENT, DISASTER RESPONSE at INFRASTRUCTURE.
“Public service is not about grand gestures or sweet words—ito ay ang mabilis, epektibo, at tunay na pagtugon sa pangangailangan ng tao… Projects or numbers are not at the core of Aksyon Agad, kundi ang bawat taong natulungan at bawat pamilyang naiangat. Sa bawat pisong inilalaan ng gobyerno para sa ating distrito, sinisigurado nating walang nasasayang—lahat ay napupunta sa programang direktang makakatulong sa inyo,” paglalahad nito.
Sa huling bahagi ng kaniyang SODA ay pinasalamatan nito ang kaniyang asawa na si MAINE gayundin ang suporta ng kaniyang pamilya at sa lubos na pagtitiwalang ipinagkaloob sa kaniya ng kanilang constituents.., na nalitanya nito ang .., “wala po ako rito kung hindi dahil sa inyong tiwala—isang tiwalang hindi ko kailanman ipagwawalang-bahala. Sa bawat araw na lumilipas, patuloy kong pinagsisikapan na patunayan na karapat-dapat ako sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin… Maraming, maraming salamat, Distrito Uno! Thank you for believing in me; I won’t let you down!”
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.