Advertisers

Advertisers

Pangangalaga sa kalusugan, kapakanan ng seniors iginiit ni Bong Go

0 5

Advertisers

Muling pinagtibay ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang kanyang pangako na patuloy na isusulong ang kanyang kanyang krusada para sa pangangalagang kalusugan at kapakanan ng senior citizens.

Sa kanyang pagdalo sa Annual General Assembly ng Abraham Senior Citizens Association noong Martes sa Parañaque Sports Complex, inihayag ni Go ang mga pangunahing batas na kanyang ipinaglaban mula noong 2019 habang binibigyang-diin ang malalim at personal niyang koneksyon sa mga matatanda.

“Sa ating Abraham Senior Citizens Association and, of course, kung wala po si lolo’t lola, wala ‘yung anak. Wala si tatay at nanay, wala po kami. Kaya tayong mga Pilipino inaalagaan ang lolo’t lola. Lahat tayo nag-aalaga,” ani Go.



“Ako rin po, 5 years… 10 years na lang po, senior citizen na rin po ako. Kaya mga kababayan, tutukan natin ang ating mga senior citizens. At ako po, bilang inyong senador sa nakaraang almost 6 years na po, since 2019, I have authored 16 laws, I have principally sponsored 82 laws—80 of which are for the establishment or expansion of public hospitals… and I also co-authored or co-sponsored 186 other laws,” anang pa ng senador.

Sinabi ni Go na kahit isang session ay hindi siya lumiban sa Senado para sa pagseserbisyo sa mga Pilipino sa abot ng kanyang makakaya.

Tinutukan niya ang tatlong batas na angkop sa pangangailangan ng seniors citizens at vulnerable Filipinos.

Kabilang sa mga ito ang Republic Act No. 11982 o ang Amendments to the Centenarian Act, na siya ring co-author at co-sponsored.

“Hindi na natin kailangang umabot ng 100 years. So, simula sa 80, 85, 90, 95, may matatanggap na po ngayon ng cash gift mula sa gobyerno,” sabi ni Go.



Para kay Senator Go, ang cash gift na ito ay higit pa sa tulong—ito ay isang pagkilala sa lifetime of hard work, family-building, at quiet contributions sa bansa.

“Mga lolo at lola, mahal na mahal ko kayo at ang inyong kapakanan ay isusulong ko po sa Senado. Bukas po ang aking opisina para sa inyong lahat. ‘Wag po kayong mahihiyang lumapit,” paniniyak niya.

“At s’yempre, hindi natin kinalilimutan ang mga senior citizens na indigent at hirap sa buhay. Isa po ako sa co-authors ng Republic Act No. 11916, o ‘yung nag-amend riyan sa Senior Citizens Act na itinaas po ‘yung social pension na matatanggap po ng indigent senior citizens.”

Muling iginiit ni Senator Go na ang kanyang trabaho sa Senado ay nananatiling nakaangkla sa pagpapabuti ng serbisyong medikal para sa lahat.

Binigyang-diin niya ang institusyonalisasyon ng Malasakit Centers sa pamamagitan ng Republic Act No. 11463, na pangunahin niyang iniakda at itinaguyod.

“Ang Malasakit Center po, meron nang 167 Malasakit Center sa buong Pilipinas. Meron po kayong Malasakit Center dito sa Parañaque City. Lapitan n’yo lang po, para po ‘yan sa Pilipino.”

Ang Malasakit Centers ay one-stop shop para sa mga programang tulong-medikal mula sa gobyerno na matatagpuan sa mga piling pampublikong ospital.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagbigay na ng tulong ang Malasakit Center program sa mahigit 17 milyong Pilipino.

Bumaling sa rollout ng Super Health Centers, idinetalye niya kung ano ang maaasahan ng mga residente ng Parañaque.

“Ngayon, itong Super Health Center, iba rin po ito. Ang Super Health Center po ay medium-type o polyclinic, puwede po riyan ang panganganak, test, laboratory, X-ray, diyan na po ‘yung Konsulta (program) at ang pinapahalagahan natin, lahat ng Pilipino.”

“Magkakaroon po ng dalawang Super Health Center sa Parañaque. Diyan lang kayo magpapa-check-up. Hindi n’yo kailangang pumunta pa sa ospital,” dagdag ng senador.