Advertisers
Napasakamay ng Navotas Police Warrant Section ang mag- asawang fish vendor nang maaresto sa kasong carnapping.
Kinilala ni Navotas Police Chief PCol.Mario Cortes ang mag- asawang sina alias “:Edmar”, 42, at alias ” Jinky”, 32, pawang residente ng Sipac- Almacen ng lungsod.
Ayon kay Col.Cortes, unang sinilbihan ng warrant of arrest si Edmar sa kahabaan ng M.Naval St. Sipac Almacen, Lunes ng hapon.
Kinabukasan naman 9:55 ng umaga araw ng Martes, March 25, 2025 ng maaresto sa bisa ng warrant of arrest ang asawa nitong si “Jinky” nang ikinasang joint manhunt operation ng ng mga operatiba ng Warrant, NCPS at SS4.
Nahaharap ang mga akusado sa kasong paglabag sa New Anti- Carnapping Act of 2016 na may pyansang P300,000.00 bawat isa na kasalukuyang nasa kustodiya ng Navotas City Police Station.(Beth Samson)