Advertisers

Advertisers

Inaasahang jampacked na proclamation rally ng Asenso Manileño sa Biyernes na ng gabi

0 18

Advertisers

INAASAHAN na magiging jampacked na show of force ng dominanteng ruling party na Manila Asenso Manileño ang magaganap sa kanilang proclamation rally sa Biyernes ng gabi.

Inaanyayahan ni Atty. Princess Abante, spokesperson ni Manila Mayor Honey Lacuna at hepe ng Manila Public Information Office (MPIO), ang publiko at ang media upang saksihan ng makasaysayang pagtitipon kung saan ang kauna-unahang babaeng alkalde ng kabisera ng bansa ay muling tatakbo para sa ikalawang termino, kasama rin ang kanyang incumbent vice mayor at ang majority Congressmen at Councilors ng Maynila.

Sa kanyang pagsasalita sa MACHRA Balitaan ng Manila City Hall Reporters’ Association, sinabi ni Abante na ang pagtitipon ay pangungunahan ni Lacuna at kasama Vice Mayor Yul Servo na gaganapin dakong alas – 6 ng gabi onward sa Earnshaw St. , Sampaloc. Ito ang distrito kung saan nagsimula ang karera sa pulitika ni Lacuna bilang City Councilor ng Maynila mula 2004 hanggang 2013, kung saan nagpa malas siya ng kahusayan nang maging siya ang kauna-unahang babaeng majority floor leader hanggang sa first woman Presiding Officer nang siya ay maging kauna-unahan ding Vice Mayor ng Maynila.



Magiging bahagi din ng proklamasayon ay ang lima sa sa anim na incumbent Congressmen na piniling manatili sa Lacuna ticket na kinabibilangan nina Congressman Rolan Valeriano (2nd district), Congressman Joel Chua (3rd district), Congressman Edward Maceda (4th district), Congressman Irwin Tieng (5th district) and Congressman Benny Abante, Jr. (6th district) at ang majority ng Manila councilors. SI comebacking Congressman Manny Lopez, anak ni dating Mayor Mel Lopez, Jr. ang kandidato ng partido sa unang distrito habang hahalili naman si Dr. Giselle Maceda sa posisyong babakantehin ng kanyang mister na si Rep. Edward Maceda na matatapos na ikatlong termino bilang kinatawan ng Distrito kuwatro.

Ayon kay Abante, ang team ni Lacuna ay sisimulan ang kanilang kanilang kampanya sa pamamagitan ng banal na sa Bacood, Sta. Mesa na susundan ng house-to-house visit ng alkalde dahil importanteng-importante para sa lady mayor ang magkaroon ng personal na interaction sa kanyang mga nasasakupan,na siyang pinatunayan ng “Kalinga sa Maynila” program na inilunsad nang magsimula ang kanyang panunungkulan bilang Punong Ehekutibo ng Lungsod ng Maynila noon 2022.

Ang nasabing programa ay lumalapag sa lahat ng barangay kung saan bitbit ng alkalde ang ang kanyang mga department heads upang personal na tumugon sa bawat saloobin, hinaing, suliranin, reklamo at mungkahi ng mga residente mismo.

Sa kabila na sasabak na si Lacuna sa kampanyahan, sinabi ni Abante na ang kaganapan sa Maynila pa rin ang priority ng alkalde. Ganito rin ang ginawa ng lady mayor noong 2022 kung saan pryiridad ni Lacuna ang city’s affairs habang nangangampanya at habang ang dating alkalde noon na si Isko Moreno ay nangangampanya na sa mga probinsya .

“‘Wag natin kalimutan na noong 2022, si Mayor Honey bilang Vice Mayor ang siyang naging taumbahay sa Manila City Hall, dahil busy na si Isko sa pangangampanya sa mga probinsiya nun. Sa kabila niyan ay naalagaan nang husto ni Mayor Honey ang buong Maynila,” pagbibigay diin ni Abante.



Sinabi ni Abante na deserved na deserved ni Lacuna ang ikalawang termino bilang alkalde ng Maynila dahil dedikado ito noong unang termino niya sa pagpasan ng napakabigat ng mga suliraning iniwan ni Isko Moreno, kabilang na ang pagbabayad ng P17.8 billion na utang at pagkukumpuni ng proyektong pabahay at pagkatapos ng mga proyektong sinimulan at iniwang naka-tengga ng dating alkalde. Lahat ng ito ay nasa flyers ni ng dating akalde bilang kanyang ‘accomplished projects ‘ noong tumakbo siya bilang presidente ng bansa noong 2022 pero natalo rin. (ANDI GARCIA)