Advertisers
PAG-AARALAN muna ng International Criminal Court ang hirit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na interim release o pansamantalang paglaya sa detention center sa The Hague, Netherlands.
Pahayag ni ICC Spokesman Dr. Fadi El Abdallah, may mga kondisyon munang kailangang matupad bago payagan ng ICC ang interim release ng isang akusado.
Gayunman, patuloy na umaasa ang legal team ni Duterte na ipagkakaloob ng korte ang hirit na pansamantalang paglaya ng dating pangulo.
Mariin namang nanindigan ang ICC na may hurisdiksyon sila sa Pilipinas kahit pa kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statue.
Ayon kay Abdallah, ang jurisdiction ng korte ay sumasaklaw sa mga krimen na ginawa mula noong 2011 hanggang 2019, taon kung kailan nag-withdraw ang gobyerno ng Pilipinas mula sa ICC.
Paliwanag pa ng tagapagsalita ng ICC ang legalidad ng pag-aresto kay dating Pangulong Duterte ay nasa kamay na ng hukom ng ICC.
Dagdag pa niya na ang proseso ng pagsuko ng isang akusado sa ICC ay nakabatay sa mga batas ng bansa kung saan naroroon ang akusado.