Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA kanyang Instagram account, hindi napigilan ni Herlene Budol na magpahayag ng pagkahabag sa Kapuso actress na si Ashley Ortega.
Feeling kasi ng dating beauty queen, underdog si Ashley at biktima ng pambu-bully, backstabbing at pamamlastik ng ilan sa kasamahan nito sa Bahay ni Kuya.
Kaya naman may panawagan ito kay Kuya na ipasok siya sa PBB para saklolohan niya ang dyowa ni Mavy Legaspi.
Sey niya: “Parang naaawa ako kay Ashley! Pasok moko, talakan ko ang namamlastik kay Ashley sa loob”.
Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang kanyang hanash mula sa netizens.
May mga sumang-ayon sa kanya pero meron din namang nag-bash.
May mga nagmamaldita pang naniniwalang makikigulo lang at walang gaanong magiging ambag ang bida ng “Binibining Marikit” sa nasabing Pinoy TV reality competition.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Agree na ipasok si Budol. Bakit ayaw pa nila gawin?”
“Bawal walang substance don, Budol”
“nako gusto mo lang ng exposure. puro papansin lang gagawin mo don.”
“Plastic agad Valid nmn cguro kng di nararamdam ng iBang hms Ang pagiging genuine ni Ashley. Why invalidate the feelings of the hms kng wla nmn sya sa loob ng bahay. Pwede nya ipagtanggol si Ashley pero di tama iinvalidate nya yng experiences Ang feelings ng hms towards Ashley.”
“Talak ka dyarnn, as if naman may masasabi siyang sensible if ever ??”
“Ipasok na yan para may flavor naman sa loob, ang sososyal ng mga girls need nila ng kanal humor”
“Sorry mima nandyan si sang’gre alena— i mean si gabbi garcia to handle bs and she can say something unpleasant sa mga nambubully kay yayang ko.”
****
Disney’s Snow White at Eraserheads Docu-Musical, nabigyan ng PG; Iba pang pelikula, R-13 at R-16
HANDA na ba kayong makikanta?
Iyan ang hamon ng “Disney’s Snow White” at “Eraserheads: Combo on the Run” na parehong binigyan ng PG rating (Patnubay at Gabay ng Magulang) ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ayon kay MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio, “ang mga pelikulang may PG ay mas mae-enjoy ng mga bata kung ito ay papanoorin ng may patnubay at gabay ng mga magulang o nakatatanda.”
Tinitiyak ng PG na ang mga magulang ay may sapat na kamalayan para ipaliwanag sa mga batang manonood ang mga nangyayari sa palabas.
Ang South Korean crime thriller na “Nocturnal,” ay rated R-13, para sa mga edad 13 at pababa.
Habang ang horror-thriller na “Sofia the Possession,” tungkol sa paghahanap ni Sofia sa nawawala nitong ina, at ang Filipino horror na “Postmortem,” tungkol sa paranormal phenomenon, ay parehong R-16 o angkop lang sa edad 16 at pataas.
Hinikayat ni Sotto-Antonio ang mga magulang na kausapin ang mga bata hinggil sa mga eksena na posibleng makaapekto sa kanilang murang kaisipan.
“Ang patnubay at gabay ng mga magulang ay napakahalaga para matulungan ang mga bata na maintindihan ang mga maselang eksena para maiwasan ang maling pakahulugan sa kabuuan ng pelikula,” sabi ni Sotto-Antonio.