Advertisers
NASA centennial year na ang NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION of the PHILIPPINES (NCAA).Yes, sa Season 100 ay mas namayagpag sa kompetisyon ang kalahok na collegiate athletes/varsity players sa kabila ng matinding init at hirap ng laban ngayong summer. Wagi ulit at umariba sa 4-peat championship ang JOSE RIZAL UNIVERSITY (JRU) TRACK & FIELD, SENIOR Division at JUNIOR Division.
Tampok bilang Coach of the Year si ELMA MUROS, ang former Athletics Queen mula sa FAR EASTERN UNIVERSITY (FEU) na nagbigay ng karangalan sa Pinas years back at iwinagayway ang bandilang Pinoy sa paningin ng buong mundo.
Kaagapay ni Coach ELMA ang kanyang bettehalf GEORGE NOEL ‘JOJO’ POSADAS, JR., (naging former coach niya sa kanyang Sports ace era,) bilang coach naman ng JUNIOR Division at naiuwi ng team ang 4-peat championship trophy ng NCAA 100 sa ATHLETIC STADIUM, New Clark City, Capas, Tarlac.
Throwing back, tampok .naman ang JRU marathon delegation sa nagdaang MILO MARATHON 60th year, nitong Marso 2, 2025 sa MALL OF ASIA grounds, recognized for biggest number of runners. Congrats to the JRU Sports groups, spearheaded by Athletics Director & NCAA MANCOM Representative PAUL SUPAN. More power po!
ALEX EALA, TENNIS
SENSATION NG PINAS
SPEAKING of pride and honor na pinahgdaanan noon ni ELMA MUROS para sa bansa, patuloy ang pag-hirit ng Sports career ni teen tennis ace ALEXANDRA EALA sa latest stunning record sa Sports ng Pinas.
Abante na si ALEX EALA sa Miami Open Quarters 2025 sa pag-atras ni injured athlete PAULA BADOSA, matapos magapi ng ating 19 y/o tennis star si MADISON KEYS, 2025 Australian Open Champion and World #5, 6-4, 6-2, para umabante sa 4th round sa Miami.Talaga naman pong historic na talunin ng Isang Pinay tennis ace ang dating Grand Slam champion sa WORLD TENNIS ASSOCIATION (WTA).Earlier, wagi si ALEX over Grand Slam Champion JELENA OSTAPENKO (WTA 25), 7-6 (2), 7-5.
Nag-umpisa at age 12 si ALEX EALA sa 2018 ROLAND GARROS JUNIOR FRENCH CHAMPIONS toward her biggest competitions.Look! Isa na siyang tennis sensation sa naibulsang championships at may take home Php11 million prize money.
Haharapin ni EALA si IGA SWIATEK sa Miami Open Quarterfinals. At age 19, 140 sa World Ranking at first Pinay na tumalo sa top 10 katunggali since nabuo ang ranking system 50 years back, subaybayan po natin ang Isa pang Sports pride ng PINAS. Abangan!
SPECIALCHEERS
HAPPY 5th BIRTHDAY to JUSTINE YORDAN JALLORIN, to MARICEL AMBONGAN of Cabanatuan City, N.E. and to new teener XIJIAN EZRAEL G. CLEMENTE of Bataan. HAPPY READING!