Advertisers

Advertisers

Cong. Arjo naging emosyunal sa SODA; Sunshine may autoimmune disease

0 13

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

UNANG sabak palang sa pulitika ni Arjo Atayde 3 years ago na tumakbo siya bilang congressman ng unang distrito ng Quezon City, ay wagi agad siya.



Paano kasi, ramdam ng kanyang constituents na magiging mabuti siyang congressman, at sincere sa kanyang mga pangako na magagandang proyekto na gagawin sa nasabing siyudad. At ayun nga, nang maupo bilang congressman ay tinupad niya ang kanyang mga pangako.

Marami siyang nagawang proyekto sa kanyang distrito.

Sa kanyang State of the District Address (SODA) na ginanap sa SM North EDSA Skydome noong Lunes ng hapon, naging emosyonal si Cong. Arjo.

Ang dami niyang pinasalamatan na bagama’t first timer aniya siya sa pulitika, hindi raw siya nahirapan dahil sa suporta ng kanyang pamilya, partikular na ang mga magulang ­niyang sina Art Atayde at Sylvia Sanchez, ang kanyang mga kapatid, misis niyang si Maine Mendoza at ni Mayor Joy Belmonte na nagme-mentor sa kanya.

Bahagi rin ng kanyang SODA ang legislative highlights umpisa nang umupo siya sa kongreso. Kabilang dito ang 46 Republic Acts, 65 House Bills as co-author, 174 House Bills as Principal Author and 78 House Resolutions.



Binigyang diin din niya sa nasabing privilege speech ang lumalalang problema ng baha sa kanyang distrito, District 1 of Quezon City, na kailangan aniya ng suporta ng national government.

Pero ang isang standout project daw sa kanyang ‘Aksyon Agad’ na mga proyekto ay ang Kusina on Wheels, na isang mobile feeding initiative na may free meals sa 37 barangays.

***

ISA sa mga kinabiliban sa mga rumampa na nakabikini sa katatapos lamang na fashion show ng isang brand ay si Sunshine Cruz. Sa edad 47 ay hot mama pa rin daw ito.

Pero may naging rebelasyon ang aktres sa kaniyang Instagram.

Inamin niyang na-diagnose siya kamakailan na may myasthenia gravis, isang uri ng autoimmune disease.

Sey niya sa post niya, “It’s been a real roller coaster these past months. I was diagnosed with an auto immune disease called myasthenia gravis which has made building muscle a real struggle.”

Ayon sa pag-aaral, ang myasthenia gravis ay autoimmune condition na nagiging sanhi ng panghihina at mabilis na pagkapagod ng mga kalamnan.

Karaniwan daw itong nararanasan ng mga kababaihang nasa edad 40 pataas at mga kalalakihang higit 60 ang edad.

Lumalabas sa mga pag-aaral na wala itong lunas ngunit may mga gamot na tumutulong upang ma-manage ang mga sintomas nito.