Advertisers

Advertisers

Call center agent todas sa suwag ng kotse

0 42

Advertisers

NASAWI ang isang call center agent nang salpukin ng isang rumagasang kotse sa kahabaan ng Quirino Hiway Novaliches, Quezon City, Martes ng madaling araw, Marso 25, 2025.

Kinilala ang biktima na si Den Adrian John Viaje, 29, may-asawa, call center agent at residente ng no. B-1 L-5 GoodWill TownHomes 1, Brgy. Bagbag, Novaliches, QC.

Sa ulat, nasawi si Viaje habang ginagamot sa Quezon City General Hospital nang isugod sa naturang ospital.

Sinabi sa investigation report ni PSMS Romeo Manzon Jr. investigator ng Quezon City Police District Traffic Sector 2 naganap ang insidente sa kahabaan ng Quirino Hiway corner Pagkabuhay Road, Brgy. Bagbag, Novaliches, QC ala-1:50 ng madaling araw nitong Martes.

Nabatid sa ulat ni Manzon na tumatawid ang biktima sa pedestrian lane sa naturang lugar nang biglang salpukin ng humaharurot na kotse na isang Sedan na kulay puti na hindi naplakahan.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok tumilapon ng ilang kilometro ang biktima na malubhang ikinasugat nito.

Matapos ang insidente tumakas ang nakasagasa at iniwan ang biktima sa naturang lugar.

Ayon sa ulat, anak ang biktima ng dating mediaman na si Reden Viaje ng Manila Bulletin .

Patuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng Quezon City police traffic upang matukoy ang pagmamay-ari ng kotse na Sedan na nakasagasa sa biktima. (Boy Celario)